Example of Lesson Plan Used (detailed,
semi-detailed, brief)
Aralin 2: Globalisasyon
( 5 Perspektibo o pananaw tungkol sa kasaysayan ng Globalisasyon).
I.
Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin ang mga
mag-aaral ay inaasahang:
1. Nasusuri
ang pagkakaiba at pagkakatulad ng iba’t-ibang perspektibo o pananaw sa
pinagmulan ng globalisasyon.
2. Naipapahayag
ang iba’t-ibang pangyayari na sinasabing may kinalaman sa pagsisismula ng
globalisasyon.
II.
Paksang Aralin:
Kontemporaryong
Isyu ( Globalisasyon)
-
Materyales:
1. Cartolina
2. Manila
paper
3. Marker
4. Chalk
5. Black
board
6. Module
III.
Pamamaraan:
Gawain
ng Guro
|
Gawain
ng mag-aaral
|
A. Panimulang
Gawain
|
|
1. Pagbati:
Magandang umaga sa
inyong lahat mga bata! Nawa ay maayos lahat ang inyong kalagayan.
2. Panalangin:
Ngayon bago tayo
magsimula sa ating aralin. Hingin muna natin ang gabay ng ating Panginoon. Sa
pangunguna ng isa ninyong kamag-aral.
3. Pagtatala
ng Liban:
4. Balik
Aral: ( konsepto ng Globalisasyon)
|
Mag-aaral:
Iyuko natin ang ating
mga ulo, ipikit an gating mga mata at tayo ay manalangin. Panginoon salamat
po sa araw na ito. Pagpalain nyo po an gaming Gawain at talakayan sa araw na
ito. Amen
|
B. Paglinang
ng Aralin:
1. Ano
ang inilalahad ng unang pananaw sa simula ng lobalisasyon?
Guro:
Magaling mga bata!
Ang unang pananaw ay nagsasaad na ang
Globalisasyon ay nakaugat sa ating lahat ayon kay “ Nayan Chanda”. Ito ay sa
kadahilanang ang lahat ng tao ay gusto ng maayos na pamumuhay na nagtulak sa
kanila upang mangalakal, magnegosyo upang mas kumita ng malaking salapi at
magpakalat ng pananampalataya at pumunta sa iba’t-ibang lugar.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, ito po ay taal at nakaugat
sa bawat isa dahil lahat tayo aymay kinalaman ditto.
·
Maam, ito po ay mula sa kaisipan
ni Nayan Chanda.
|
2. Bakit
sinasabi ng ikalawang pananaw na ang globalisasyon ay isang mahabang siklo?
Guro:
Mahusay mga bata!
Ito ay isang mahabang
siklo dahil ayon kay scholte marami nanag Globalisasyon ang dumaan sa mga
nakalipas na panahon at ang
kasalukuyang globalisasyon ay makabago at higit na mas mataas na anyo
na maaaring magtapos sa hinaharap.
Nanganagilangan din
ng mahabang panahon upang makalikha o maka-imbento ng teknolohiya na
magpapabilis sa globalisasyon.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, dahil kailangan po ng
mahabang panahon upang mas umunlad ang globalisasyon.
·
Maam, dahil po unti-unti ang
pagbabago ng prosesong ito.
|
3. Ibigay
ang katangian ng 6 na panahon na binigyang diin nj thernborn?
Guro:
Magaling mga Bata!!
Ang anim na wave o
panahong binigyang diin ni thernborn ay sinasabing naging hudyat ng
pagsisimula ng globalisasyon. Noong 4th-5th century ay
lumaganap ang relihiyong krisyanismo sa Roma sa tulong ni Constanine the
Great. Ang relihiyon ay mahalaga dahil naapektuhan nito ang halos lahat ng
aspeto ng ating buhay tulad n gating pananamit, pagkain at iba pa.
Noong ika-5 at ika-6
na panahon ay tungkol sa Komunismo at kapitalismo. Mas nanaig ang sistemang
Kapitalismo dahil ang pagpapatakbo ng palitan ng kalakalan ay hawak ng
pribadong sector o ng mga negosyante na dahil sa kagustuhang kumita ay
nagbubukas ng mas malawak na transaksyon.
|
Sagot
ng mag-aaral:
·
Maam, Ang unang panahon po ay
noong 5th-century ang paglaganap ng Relihiyong Kristyanismo at
Islam.
·
Maam, Ang ikalawang panahon po ay
ang pananakop ng mga europeo.
·
Maam,ang ikatlong pananaw ay
digmaan sa pagitan ng mga bansa sa Europa.
·
Maam, ang ikaapat na pananaw po
ay ang rurok ng imperyalismong Kanluranin.
·
Maam, ang ikalima po ay ang
pagtatapos ng ikalawang digmaang pandaigdigan.
·
Maam, ang ikaanim po na pananaw
ay ang pagtatapos ng cold war.
|
4.Magbigay
ng mga ispesipikong pangyayari na naganap sa kasaysayan na maiuugat sa simula
ng globalisasyon?
Guro:
Very Good!
Maraming pangyayari sa
kasaysayan ang sinasabing dahilan ng pagkakakroon ng globalisayon. Ang ilan
sa mga ito ay ang sumusunod:
1. Pananakop
ng mga Romano
2. Paglaganap
ng Kristyanismo at Islam
3. Ang
paglalakbay ng mga Vikings
4. Pasimula
ng pagbabangko sa Italy
5. Pagkadiskubre
sa Telepono, transatlantic passenger jet at satellite.
6. Pagbagsak
ng Twin tower.
Ang
mga pangyayaring ito ay lubos na nagmulat sa mga tao ng pagkakaroon ng isa o
nagkakaisang pananaw sa mundi. Pinagsasama nito ang mga taing dati ay malayo
sa isa’t-isa.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, tulad po ng paglikha sa
telepono noong 1956 na naging paraan upang mapabilis ag komunikasyon.
·
Paglaganap ng Islam noong
Ikapitong siglo.
|
4. Ano
ang isinasaad ng huling pananaw?
Guro:
Excellent!
Ang
mga pangyayaring ito ay sinasabing naging simula ng globalisasyon. Ang
paglitaw g mga Multinational Companies at Transnational Companies na nagtayo
ng kanilang mga “ branch” sa iba’t-ibang bansa. Ito ay patunay na mas
lumalaki at lumalawak na pakikipagkalakalan. Ang pagbagsak naman ng USSR ay
daan upang mas lalong lumawak ang pakikipagpalitan ng ideya, kalakalan at
pananampalataya.
|
Sagot
ng mag-aaral:
·
Maam, ito poo ay tumutukoy sa
pag-usbong ng Estados Unidos Bilang global power.
·
Maam, ang globalisasyon po ay
nagmula sa pagbagsak ng USSR.
·
Maam, ng mgakaroon po ng mga MNCs
at TNCs.
|
P C. Paglalagom:
Bakit mahalagang pag-aralan ang
iba’t-ibang pananaw sa simula ng globalisasyon?
IV.
PAGTATAYA
Panuto:
Uriin kung saang perspektibo kabilang ang mga mahahalagang ideya sa kahon
Taal Kagustuhan ng maayos na
buhay Makabago Twin Tower
Scholte 4th-5th
Century Digmaan sa
Europa Estados Unidos
Transalantic
Jet Iron Curtain Mahabang siklo Kapitalismo Vs. komunismo
Nayan
Chanda MNCs at TNCs Soviet Union Pananig ng Kapitalismo
Pagbabangko mataas na Anyo
|
V.
KASUNDUAN:
1. Basahin at pag-araln ang ibig sabihin ng Multinational at Transnational companies.
1. Basahin at pag-araln ang ibig sabihin ng Multinational at Transnational companies.
2. Alamin
ang kahulugan ng outsourcing, onshoring, offshoring, at nearshoring.
3. Maglista
ng halimbawa ng kompanyang nasa ilalim ng MNCs At TNCs.
Aralin 3: (
Globalisasyong ekonomiko)
I.
Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nasususri ang implikasyo ng
globalisasyon sa Ekonomiya ng isang lipunan o bansa.
2. Nailalahad ang mga tugon sa mga
suliraning kaakibat ng paglakas ng mga Multinational at Transnational
companies.
II.
Paksang Aralin:
Kontemporaryong
Isyu ( Globalisasyon)
-
Materyales:
7. Cartolina
8. Manila
paper
9. Marker
10. Chalk
11. Black
board
12. Module
III.
PAMAMARAAN:
Gawain
ng Guro
|
Gawain
ng mag-aaral
|
D. Panimulang
Gawain
|
|
1. Pagbati:
Magandang umaga sa
inyong lahat mga bata! Nawa ay maayos lahat ang inyong kalagayan.
2. Panalangin:
Ngayon bago tayo
magsimula sa ating aralin. Hingin muna natin ang gabay ng ating Panginoon. Sa
pangunguna ng isa ninyong kamag-aral.
3. Pagtatala
ng Liban:
4. Balik
Aral: ( 5 pananaw sa simula ng globalisasyon)
5. Motibasyon
:
Sagutan ang Gawain 3:
Window Shoping.
|
Mag-aaral:
Iyuko natin ang ating
mga ulo, ipikit an gating mga mata at tayo ay manalangin. Panginoon salamat
po sa araw na ito. Pagpalain nyo po an gaming Gawain at talakayan sa araw na
ito. Amen
|
B.
Paglinang ng Aralin
|
|
Gawain ng Guro
|
Gawain
ng mag-aaral
|
1. Bakit
isa ang ekonomiya sa usapin sa isyu ng globalisasyon?
Guro:
Magaling mga bata!
Ang ekonomiya ay
isang mahalagang usapin ng globalisasyon dahil sa mga bagong teknolohiya mas
napabilis ang transaksyon at pakikipagpalitan ng mga produkto at serbisyo na
nagbigay daan sa pag-usbong ng malalaking kompanya na mas lalong nagpapayaman
sa iba’t-ibang bansa na kanilang nirerepresenta.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, dahil po gusto ng mga tao
na mas kumita kaya naman ang pagkakaroon ng mga produkto at srbisyo ay higit
na makakatulong sa kanila.
·
Maam, ito po ay sa kadahilanang
lahat tayo ay sakop nito.
|
2. Ano
ang pagkakaiba ng MNCs at TNCs?
Guro:
Malapit na ang inyong mga sagot mga bata!!
Ang MNCs o
Multinational Companies ay tumutukoy sa mga namumuhunang kompanya sa
iba’t-ibang bansa ngunit hindi nakabatay sa pangangailangang lokal ng
pamilihan. Halimbawa ng mga kompanyang ito ay ang Mcdonalds, Coca-cola,
Google, UBER, Starbucks, Seven-eleven, Toyota, at iba pa.
Ang TNCs naman o transnational
company naman ay tumutukoy sa mga kompanya o neosyong nagtatag ng pasilidad
sa ibang bansa ngunit iniaayon nila ang produkto sa pangangailangang lokal ng
isang bansa tulad ng synsodyne, Accenture, shell at iba pa.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, ang multinational companies
po ay nagkakaroon ng transaksyon sa iba’t-ibang panig ng daigdig samantalang
ang TNCs naman po ay ditto lamang sa lokal na pamilihan.
·
Maam, ang MNC po ay tumutukoy sa
malaking kompanya , ang TNC naman po ay sa hindi kalakihang mga kompanya.
|
3. Magbigay
ng mga kompanya/negosyo ditto sa Pilipinas nagmula at patuloy na nakakaranas
ng pag-unlad sa ibang bansa?
Guro:
Nice Job!!!
Ilan pa sa mga ito ay
ang Jollibee, Universal Robina Corporation, Unilab, Terminal Services at iba
pa. Ang mga pangyayaring ito ay mabuting indikasyon dahil ang ibig sabihin
nito mas lumalago ang mga negosyo sa ating bansa na nakakapagpaunlad ng ating
ekonomiya.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, Jollibee po
·
Maam,Inasal po
·
Maam, San Miguel Corporation po
|
4. Ano-ano
ang mgaimplikasyon ng pag-usbong ng
mga multinational at transnational companies sa isang bansa?
Guro:
Very Good mga bata!!
Ngayon bibigyang
pansin natin ang apat na impliksyon ng pagkakaroon ng MNCs at TNCs sa isang
bansa at ito ay ang mga sumusunod:
1. Pagkakaroon
ng kompetisyon sa pamilihan. Ito ay nakakabuti sa mamimili dahil mas nagiging
mura ang mga produkto at serbisyo.
2. Pagkalugi
ng mga lokal na namumuhanan dahil sa kaya ng malalaking kompanya na
namumuhanan ng malalaking kompanya na mamumuhunan ng Malaki at hindi na
nakakasabay sa kompetisyon ang lokal na kompanya.
3. Naiimpluwensyahan
ang mga polisiya. Minsan nanakot ang mga MNCs at TNCs na ililipat ang
kanilang negosyo kung hindi susundin ang kanilang mga gusting patakaran.
4. Paglaki
ng agwat ng mahihirap sa mayayaman. Dahil ang mga may puhunan ay mas lalong
nagkakaroon ng malaking kita samantalanang ang mahihirap naman ay nawawalan
ng trabaho.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, mas mahihirapan ang mga
kompanya na nasa bansa o yung maliliit na namumuhunan na makipagsabayan sa
kompetisyon.
·
Maam, mas lalo pong dumadami ang
trabaho sa bansa.
|
5. Ano
ang outsourcing at ang tatlong uri nito?
Guro:
Mahusay mga bata!
Ang mga ito ay
gingawa upang at mas lalong mapaunlad
at mapadali ang negosyong bawat kompanya.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam,ang outsourcing po ay
tumutukoy sa pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya sa isa pa upang mas lalong
mapadali ang pagnenegosyo.
·
Maam, Ang offshoring po ay
pagkuha ng serbisyo ng mga tao sa malayong bansa na mayroong maliit lamang
ang bayad dahil mas makakamura ang mga negosyante sa ganitong sitwasyon.
·
Maam, Ang nearshoring naman po ay
pagkuha ng serbisyo sa malapit na bansa upang maibsan ang hindi
pagkakaunawaan gawa ng kultura.
·
Maam, ang onshoring ay pagkuha ng
serbisyo sa sariling bansa.
|
C. Paglalagom:
Pimili
ng isang paksa sa napag-aralan nagyong araw at ilahad ang iyong natutuhan
patungkol ditto.
IV.
PAGLALAPAT:
Sagutan ang tuklas kaalaman sa inyong portfolio. (
Gawain 5).
V.
KASUNDUAN:
Magsaliksik ng impormasyon o ideya sa
mga sumusunod:
A. Globalisasyong
Teknolohikal at Sosyo-kultural
B. Globalisasyong
Politikal
C. Paraan
sa pagharap sa mga hamong ito.
D. Isulat
ang inyong sagot sa inyong “Notebook”.
Aralin 4: ( OFW bilang
manipestasyon ng globalisasyon, globalisayong teknolohikal, globalisasyong political)
I.
Layunin:
Sa pagtatapos ng araliin ang mga
mag-aaral ay inaasahang:
1. Naaanalisa
ang mga manipestasyonng iba’t-ibang anyo ng globalisasyon.
2. Nakagagawa
ng isang sanaysay sa mabuti at hindi mabuting epekto ng globalisasyonng
teknolohikal, at sosyo-kultural.
II.
Paksang Aralin:
Kontemporaryong
Isyu ( Globalisasyon)
Materyales:
Cartolina
Manila
paper
Marker
Chalk
Black board
Module
III.
PAMAMARAAN:
Gawain
ng Guro
|
Gawain
ng mag-aaral
|
A. Panimulang
Gawain
|
|
1. Pagbati:
Magandang umaga sa
inyong lahat mga bata! Nawa ay maayos lahat ang inyong kalagayan.
2. Panalangin:
Ngayon bago tayo
magsimula sa ating aralin. Hingin muna natin ang gabay ng ating Panginoon. Sa
pangunguna ng isa ninyong kamag-aral.
3. Pagtatala
ng Liban:
4. Balik
Aral: (Globalisasyong Ekonomiko).
|
Mag-aaral:
Iyuko natin ang ating
mga ulo, ipikit an gating mga mata at tayo ay manalangin. Panginoon salamat
po sa araw na ito. Pagpalain nyo po an gaming Gawain at talakayan sa araw na
ito. Amen
|
B. Paglinang
ng Aralin
|
|
1. Ang
OFW ba ay maituturi natin bilang isa sa manipestasyon ng globalisasyon?
Guro:
Magaling mga bata!
Kung mayroon mang buhay na
manipestasyon ang globalisasyon ito ay ang mga OFW o Overseas Filipino Worker
dahil sa mabilis na paglago o pag-unlad ng teknolohiya mas napabilis ang
pagpunta ng mga manggagawa sa iba’t-ibang panig ng daigdig.
|
Sagot
ng mag-aaral :
·
Maam, opo dahil nakakapunta po
sila sa iba’t-ibang panig ng mundo.
·
Maam, opo dahil patuloy na
tumataas ang kita ng isang bansa sa tulong ng mga OFW.
|
2. Magbigay
ng mga bansa na kakakitaan ng mga manggagawang Pilipino?
Guro:
Magaling mga bata!
Patuloy nga na dumadami ang mga
manggagawang Pilipino sa iba’t-ibag bansa. Ang ilan sa mga ito ay ang mga
bansa sa Timog Kanlurang asya. United Arab Emirates, Saudi, Qatar at sa
Silangang Asya: Japan, South Korea, Hongkong, at iba pa.
|
Sagot
ng mag-aaral :
·
Maam, sa Amerika po
·
Maam, sa Taiwan po
·
Maam, sa China po
·
Maam sa Canada po
·
Maam, sa Dubai po
|
3. Kailan
kaya nagsimula ang pangingibang bayan ng mga manggagawang Pilipino?
Guro:
Nice Answer!
Ang
pinakasimula ng panginibang-bayan ng mga Pilipino ay maiuugat sa kampanya ni
Pangulong Ferdinand Marcos na STOP THE GAP MEASURE upang matugunan ang budget deficit.
|
Sagot
ng mag-aaral :
·
Maam, dala po ng kahirapan kaya
maraming mga Pilipino ang nagpunta sa ibang bansa.
·
Maam, dala po ng mas malaking
sahod na ipinagkakalob ng kompanya sa ibang bansa.
|
4. Ano
ang naidudulot ng computer at mobile phone sa aspetong teknolohikal at
sosyo-kultural sa isang bansa particular na ang Pilipinas?
Guro:
Tama mga bata!
Maraming
tulong na nagagawa ang mobile phone at computer sa ating pang-araw-araw na
pamumuhay.
Hal.
1. Ang
mga mangingisda ngayon ay ginagamit ang mobile phone at computer upang
malaman ang mga prospektibong mamimili upang maiwanan ang pagkakalugi.
2. Ang
kultura ng ibang bansa lalo na ang mga koreano at amerikano ay lubusang
nakakaimpkuwensya sa ating mga buhay
ang kanilang pananamit,wika ,pagkain ay ating ginagaya.
Gawa
na rin ng panunuod ng mga videos o palabas patungkol dito.
|
Sagot
ng mag-aaral :
·
Maam, ito po ay nakakatulong sa
mabilis na pakikipag palitan ng impormasyon at nakukuha na rin po natin ang
kanilang mga paniniwala
·
Maam, ito po ay nakakatulong sa
mabilis na transaksyon ng mga produkto at serbisyo.
|
5. ano
naman ang suliranin kaakibat ng paggamit ng computer at mobile phone?
Guro:
Tama mga bata dahil din sa patuloy na
paggamit ng computer at ng iba pang teknolohiya may mga suliranin itong kaakibat tulad ng mga
sumusunod.
1.
Computer viruses at spam dumami
rin ang mga taong naloloko at mga taong mapag samantala dahil sa mabilis na
pagkakuha ng impormasyon.
2.
Pagkawala ng “identity” ng mga
Pilipino. Masyado tayong nahuhumaling sa mga palabas at produkto mula sa
ibang bansa at nakalimutan nating tangkilikin ang salitang atin.
3.
Intellectual Dishonesty – ito ay
talamak sa mga studyante dahil mabilis na nakikita ng impormasyon na “copy
and paste” na lang sila.
4.
Banta ng terorista dahil mas
nakakapag kalat sila ng takot sa puso ng mga ordinaryong mamayan.
|
Sagot
ng mag-aaral :
·
Maam, ito po ay nakakatulong
upang mabilis na pakikipagpalitan ng impormasyon at nakukuha na rin po natin
ang kanilang mga paniniwala.
·
Maam, ito po ay nakakatulong sa
mabilis na transaksyon ng mga produkto at serbisyo.
|
6. Sa paanong paraan natin makikita
ang manipestasyon ng globalisasyon sa aspetong political?
Guro ;
Mahusay mga bata sa
tulong narin ng mga teknolohiya nagiging mabilis ang ugnayan ng bawat mga
bansa. Ito ay nag reresulta sa mga kasunduan na nag bibigay kaunlaran sa
magkabilang panig.
Halimbawa;
Ang pilipinas ay may ugnayang
diplomatiko sa iba’t-ibang bansa tulad ng Australia, China, Japan, Tailand,
USA at iba pa na nagdadala ng oportunidad sa pang-ekonimikong at
pang-kultural sa magkabilang panig.
|
Sagot
ng mag-aaral:
·
Maam, sa pamamagitan po ng
pagtutulungan ng bawat bansa.
·
Maam, sa pamamagitan po ng
pakikipagpalitan ng political na ideya ng bawat bansa.
|
C.
PAGLALAGOM:
Sa
inyong palagay saang aspeto ng inyong buhay nagkakaroon ng manipestasyon ng
globalisasyon?
IV. Paglalapat:
Sumulat
ng isang sanaysay na naglalahad ng mabuti at masamang epekto ng globalisasyon
sa bansa.
V. Kasunduan:
A. Maghanap
at maglista ng mga suliraning kaakibat ng globalisasyon at kung paano tinugunan
ng isang bansa ang mga suliraning ito.
Isulat ang inyong sagot sa inyong
kwaderno.
B. Magdala
ng mga sumusunod:
1. Cartolina
2. Marker
3. Pencil
4. Oil
pastle
Aralin 5: (Pagharap sa hamon ng globalisasyon)
I.
Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin ang mga
mag-aaral ay inaasahang:
1. Napapaphalagahan
ang iba’t-ibang tugon sa pagharap sa epekto ng globalisasyon.
2. Nakagagawa
ng isang poster na nagpapakita ng konsepto at impliasyon ng globalisasyon.
II.
Paksang Aralin:
Kontemporaryong
Isyu ( Globalisasyon)
-
Materyales:
1. Cartolina
2. Manila
paper
3. Marker
4. Chalk
5. Black
board
6. Module
III.
PAMAMARAAN:
Gawain
ng Guro
|
Gawain
ng mag-aaral
|
A. Panimulang
Gawain
|
|
1. Pagbati:
Magandang umaga sa
inyong lahat mga bata! Nawa ay maayos lahat ang inyong kalagayan.
2. Panalangin:
Ngayon bago tayo
magsimula sa ating aralin. Hingin muna natin ang gabay ng ating Panginoon. Sa
pangunguna ng isa ninyong kamag-aral.
3. Pagtatala
ng Liban:
4. Balik
Aral: ( Manipestasyon ng globalisasyon sa sosyo-kultural at political.)
5. Motibasyon
:
The boat is sinking (
ang mga mag-aaral ay magrugrupo-grupo ayon sa dami o bilang na binangit ng
guro.)
|
Mag-aaral:
Iyuko natin ang ating
mga ulo, ipikit an gating mga mata at tayo ay manalangin. Panginoon salamat
po sa araw na ito. Pagpalain nyo po an gaming Gawain at talakayan sa araw na
ito. Amen
|
B.Paglinang
ng Aralin
|
|
1. Ano
ang mga suliraning kaakibat ng globalisasyon?
Guro:
Magaling mga bata!!
Sa ating nagdaang aralin naibigay na
ang iba sa mga suliraning kaakibat ng globalisasyon tulad ng intellectual
dishonesty, banta ng terorismo, pagkawala ng “identity” ng mga Pilipino at
panloloko ng mga tao gamit ang social media.
Maliban dito isa sa pinakamalaking
hamon ng globalisasyon ay kung paano makakasabay an gating ekonomiya sa
lumalaking kompetisyon ng iba’t-ibang bansa.
|
Sagot ng Mag-aaral:
·
Maam, dahil po mas mabilis ang
komunikasyon tulad ng paggamit ng internet mas maraming tao ang naloloko ng
masasamang loob.
·
Maam, ang maliit pang mga
negosyante ay patuloy na nahihirapang makipagkompetensya sa malaking
kompanya.
|
2. Sino
ang responsible sa usapin ng pagharap sa suliraning ito?
Guro:
Very Good!!
Malaki ang ginagampanan ng
pamahalaan para patuloy na tugunan ang mga suliraning kaakibat ng
globalisasyon at masiguro na may pag-unlad.
Ngunit lahat ng ito ay dapat na isagawa sa tulong ng lahat ng
mamamayan.
|
Sagot ng Mag-aaral
·
Maam, ang pamahalaan po ang
pinaka dapat na tumutok sa usaping ito.
·
Maam, sa palagay kop o ang sector
na akabilang sa pagproduce ng mga produkto at serbisyo ang pinaka kailangang
umaksyon ditto.
|
3. Ano
ang Guarded Globalization at paano ito nagiging sagot sa suliraning kaakibat
ng globalisasyon?
Guro:
Good Job!!
Sa pamamagitan ng
guarded globalization ay nabibigayang proteksyon ng pamahalaan ang mga lokal
na namumuhunan sa pamamagitan ng pagpataw ng taripa o buwis upang mas tumaas
ang presyo ng mga produkto mula sa ibang bansa.
Pagbibigay ng
subsidiya upang magkaroon ng mas malaking puhunan sa mga lokal na
namumuhunan.
|
Sagot ng Mag-aaral
·
Maam, ito po ay tumutukoy sa
pakikialam ng pamahalalan sa kalakalang panlabas ng mga bansa.
·
Maam, ito po ay uoang mabih=gyan
ng proteksyon ang mga lokal na namumuhunan o negosyante.
|
4. Ano
ang fair trade at sa paanong paraan ito nakakatulong sa pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa?
Guro:
Mahusay mga bata!
Ito ay nakakatulong
upang magkaroon ng patas ng kalayaan at kalakalan para sa lahat ng bansa.
Bukod pa rito ito rin ay nakakatulong upang maproteksyunanan ang interes ng
mga negosyante at ng mga mamimili.
|
Sagot ng Mag-aaral
·
Maam, ito po ay tumutukoy sa pantay
na kalakalan sa pagitan ng iba’t-ibang bansa.
·
Maam, layunin po nito na
mapanatili ang tamang presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamamagitan ng
bukas na negosyasyon.
|
5. Ano
ang programang pagtulong sa “ Bottom Billion”?
Guro:
Mahusay mga bata!
Ito ay tumutukoy sa
pagtulong ng mga mayayamang bansa sa mahihirap na bansa sa Asya at Africa.
|
Sagot ng Mag-aaral
·
Maam, ito po ay pagbibigay ng
tulong pinansyal sa mga bansang maramingmahihirap.
|
C. PAGLALAGOM:
A.
Bakit mahalagang pag-aralan ang iba’t-ibang solusyon sa mga suliranin na
kaakibat ng globalisasyon?
B. Ikaw bilang isang indibidwal
paano ka makakatulong upang masolusyunan ang mga hamon ng globalisasyon?
IV.
Paglalapat
Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa 5 grupo
na may 7-9 na miyembro. Sila ay gagawa ng isang poster na nagpapakita ng
implikasyon at manipestasyon ng globalisasyon sa pagharap sa hamon ng
pag-unlad.
Goal- Ikaw ay inaasahang makagawa ng
isang poster at islogan na nagpapakita ng implikasyon at solusyon sa pagharap sa
hamon ng pag-unlad.
Role- Isa kanng kabahagi ng organisasyon
na naglalayong ibukas ang isipan ng kapwa mag-aaral sa mga kasalukuyang isyu na
kinakaharap n gating bansa.
Audience: Ang poster na inyong gagawin
ay huhusgahan ng inyong mga guro bago nito ilagay sa mga lugar na nakikita ng
inyong mga kapwa mag-aaral.
Situation: isa kang pinuno ng
organisasyong naglalayon na ibukas ang isipan ng iyong kapwa mag-aaral sa mga
kasalukuyang isyu na kinakaharap n gating bansa. Naatasan kayo na gumawa ng
isang poster at islogan na magpapkita ng implikasyon at manipestasyon ng
globalisasyon.
Product: Isang poster na may temang
globalisasyon implikasyon at manipestasyon sa pagharap sa hamon ng pag-unlad.
Stamdard:
Nilalaman/kosepto: 30
Kalinisan: 15
Pagiging malikhain: 25
Pagkakaisa: 20
Naipasa sa tamang oras: 10
_____________
100
V.
Kasunduan:
Magsaliksik ng mga suliraning
kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino dahil sa globalisasyon. Isulat ang
inyong nasaliksik sa kwaderno.
Aralin 2 : Mga Isyu sa
paggawa
Paksa I: Ang
globalisasyon at ang mga isyu sa paggawa
I.
Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin ang mga
mag-aral ay inaasahang:
1. Naipaapliwanag
ang iba’t-ibang hamon at suliranin kinakaharap ng bawat sector ng paggawa.
2. Napapahalagahan
ang mga haligi ng isang disnte at maranggal na paggawa.
3. Nakagagawa
ng presentasyon ukol sa kalagayan ng mga manggagawa sa bawat sector.
II.
Paksang
Aralin:
Kontemporaryong Isyu (Globalisasyon)
- Materyales:
1. Cartolina
2. Manila
paper
3. Marker
4. Chalk
5. Black
board
6. Module
III. PAMAMARAAN:
Gawain
ng Guro
|
Gawain
ng mag-aaral
|
A. Panimulang
Gawain
|
|
1. Pagbati:
Magandang
umaga sa inyong lahat mga bata! Nawa ay maayos lahat ang inyong kalagayan.
2. Panalangin:
Ngayon bago tayo magsimula sa ating aralin. Hingin
muna natin ang gabay ng ating Panginoon. Sa pangunguna ng isa ninyong
kamag-aral.
Magpakita ng mga
larawan ng bawat sector puzzle type.
|
Mag-aaral:
Iyuko natin ang ating
mga ulo, ipikit an gating mga mata at tayo ay manalangin. Panginoon salamat
po sa araw na ito. Pagpalain nyo po an gaming Gawain at talakayan sa araw na
ito. Amen
|
B.Paglinang
ng Aralin
|
|
1. Magbigay
ng mga suliranin na kinakaharap ng sector ng paggawa na kaakibat ng
pag-unlad?
Guro:
Very Good mga Bata!
Sa pagkakaroon ng
mabilis na proseso ng pagdaloy ng impormasyon, tao at produkto naging mabilis
din ang pagbabago sa pagggawa at tumaas ang kompetisyon ng mga kompanya at
iba pang mga negosyante.
Ilan pa sa mga suliranin ay ang
mababang sahod, kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya, job-skill
mismatch , kontraktuwalisasyon at mura at flexible labor.
|
Sagot ng Mag-aaral:
|
2. Ano
ang magandang dulot ng globalisasayon sa sector ng paggawa?
Guro:
Mahusay mga bata! Hindi lamang
suliranin ang naidudulot ng globalisasyon , ito rin ay maroon mabuting
epekto. Una ay mas lumalaki ang demand para sa mga kasanayan sa paggawa na
kinikilala sa buong mundo (Globally Standard na paggawa). Ikalawa nabibigyan
ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa ibang panig ng
daigdig. Ikatlo mas naging makabago ang workplace ng mga manggagawa. Ikaapat
mas dumamai ang mga dayhang namumuhunan sa ating bansa.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, nagkakaroon ng mas maraming
oportunidad ang mga manggagawa na magkaroon ng trabaho na may sapat na kita.
·
Maam, mas umunlad po ang
ekonomiya n gating bansa dahil sa lumalaking bilang ng mga OFW.
|
3. Ano
ang desenteng paggawa?
Guro:
Nice Answer!
Ang disenteng paggawa
o decent work ay tumutukoy sa paglalayon na iaangat ang antas ng mga
manggagawa na naglalayong magkaroon ng pantay na oportunidad ang bawat
indibidwal anuman ang kasarian para sa isang disenteng paggawa.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, ito po ay tututkoy sa
marangal na Gawain o trabaho.
·
Maam, ito po ay pantay na
oportunidad sa trabaho.
|
4. Ibigay
ang apat na haligi ng disente at marangal na paggawa? Ipaliwanag ang bawat
isa.
Guro:
Magaling mga bata!
Ang haligi sa
disenteng paggawa ay ang mga hakbang na gingawa upang mabigyan ng proteksyon
ang mga manggagawa at pataasin ang kanilang kita at benepisyo na sila rin ay
magkaroon ng pag-unlad.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, ang una pong haligi ay ang
employment pillar, tiyakin ang pantay na oportunidad sa lahat ng manggagawa
at pagkakaroon ng maayos na workplace.
·
Maam, ang Workers Right Pillar po
ang ikalawa haligi, sinisigurado po nito na may matapad na pagpapatupad sa
mga karapatan ng mga manggagawa.
·
Maam, Social Protection Pilar ang
ikatlong haligi ng disenteng paggawa. Ito ay may kinalaman sa paglikha ng mga
mekanismo para sa proteksyon ng mga manggagawa.
·
Maam, ang huli pong haligi ay ang
Social Dialohue Pillar ang paglikha ng collective bargaining. Ang Collective
bargaing unit ay ang pagsasama ng mga representante upang mabigayan ng
proteksyon ang mga mangagawa.
|
5. Ano
ang mga suliraning kinakaharap ng sector ng agrikultura sa pag-usbong ng
globalisasyon?
Guro:
Tama mga bata!
Totoo na maraming
naibigay na kaunlaran ang proseso ng globalisasyon, ngunit ito rin ay may mga
suliraning kaakibat tulad ng pagdagsaa ng mga dayuhang produkto sa lokal na
pamilihan. Mas malaking ang insentibo na ibinibigay sa mga dayuhang komanya.
Pinasyal na pagkalugi o pagkalimpo ng mga lokal na magsasaka. Maliban pa rito
ang kakulangan sa suporta ng pamahalaan sa mga kababayan nating magsasaka
tulad ng suporta sa patubig, subsidy, pagbibigay ng tulong sa panahon ng
sakuna at iba pa ay ilan sa malaking hamon na kinakaharap n gating mga
manggagawa.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, mas dumadami ang mga
kakompetisyon na produkto ng mga magsasaka na nakapaghina ng kanilang
hanapbuhay o kinikita.
·
Maam, pagkaubos po o pagliit ng
lupang taniman dahil sa pagtatayo ng mga imprastraktura.
|
6. Ano
ang mga suliraning Kinakaharap ng sector ng industriya sa pag-usbong ng
globalisasyon?
Guro:
Magaling mga bata!
Maaring nagbibigay ng
maraming trabaho ang pagkakaroon ng minahan, pabrika, konstruksyin at iba pa
ngunit hindi natin maalis na karamihan sa mga ito ay pagmamay-ari ng mga
dayuhang kompanya na kung saan ito ang mas kumikita imbes na ang mga
pilipinong namumuhunan.
Marami pa ang kasi na
naitatala na pang-aabuso sa mga manggagawa nariyan ang isyu ng mababang
pasahod, walang sapat na proteksyon habang nagtratrabaho at ang mga benepisyo
na dapat ibinigay sa manggagawa.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, lumiliit po ang sweldo ng
mga manggagawang Pilipino dahil sa pagkakaroon ng kontratuwalisasyon.
·
Maam, marami pong manggagawa ang
nagkaroon ng sakit na dulot ng mahabang oras na pagtratrabaho.
·
|
7. Ano
ang suliraning kinakaharap ng sektor ng serbisyo sa pag-usbong ng
globalisasyon?
Guro:
Tama kayo mga bata! Ang lahat ng
sektor ay nakakaranas ng pagbabago at nangangailangan ng kaukulang kilos
tungo sa pag-unlad.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, ang mga dayuhang kompanya
po ay nagiging mapagsamantala, minsan dinidiktahan nila ang mga opisyal ng
pamahalaan upang pumabor sa kanila ang mga batas na iniimplementa ng mga
opisyal.
|
C.Paglalagom:
Ngayon
na nalaman natin ang mga suliraning kinakaharap ng bawat sektor makbigay ng mga
hakbang na dapat mong gawin upang masosulusyunan ang mga suliraning ito.
Presentaston
ng kalagayan ng mga manggagawa ( Role Play, News Reporting).
IV.
Paglalapat:
Sagutan ang Gawain
2: mga isyu sa paggawa. Pahina 192
VI.
KASUNDUAN:
1. Itala
ang bilang o porsyento ng unemployed at underemployed sa ating bansa sa taong
2016.
2. Ano
ang Subcontracting at ibigay ang dalawang uri nito.
3. Ano
ang LFPR?
Aralin 2: Mga Isyu sa
Paggawa : Paksa 2: Iskemang subcontracting at unemployment at underemployment)
I.
Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin ang mga
mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipapaliwanag
kung gaano kalaki ang krisis na kinakaharap n gating bansa patungkol sa
unemployment at underemployment.
2. Napapahalagahan
ang sakripisyo at tulong na hatid ng mga OFW sa ating ekonomiya.
3. Naaanalisa
ang mga posibleng tugon n gating bansa sa mga suliranin sa paggawa.
II.
Paksang Aralin:
Kontemporaryong
Isyu ( Globalisasyon)
A. .Materyales:
1. Cartolina
2. Manila
paper
3. Marker
4. Chalk
5. Black
board
7. Module
III.
Pamamaraan:
Gawain
ng Guro
|
Gawain
ng mag-aaral
|
B. Panimulang
Gawain
|
|
1. Pagbati:
Magandang umaga sa
inyong lahat mga bata! Nawa ay maayos lahat ang inyong kalagayan.
2. Panalangin:
Ngayon bago tayo
magsimula sa ating aralin. Hingin muna natin ang gabay ng ating Panginoon. Sa
pangunguna ng isa ninyong kamag-aral.
3. Pagtatala
ng Liban:
4. Balik
Aral: ( Ang globalisasyon at isyu ng paggawa)
-
Sektor ng Industriya
-
Sektor ng Agrikultura
-
Sektor ng Serbisyo
5. Motibasyon:
Magpanood ng Video
tungkol sa kinakaharap na suliranin sa pagkakaroon ng kontraktuwalisasyon at
unemployed/ underemployed.
|
Mag-aaral:
Iyuko natin ang ating
mga ulo, ipikit an gating mga mata at tayo ay manalangin. Panginoon salamat
po sa araw na ito. Pagpalain nyo po an gaming Gawain at talakayan sa araw na
ito. Amen
|
B. Paglinang ng Aralin:
|
|
1. Ano
ang masamang epekto ng iskemang subcontracting sa mga manggagawa?
Guro:
Magaling mga bata!
Mas dumadami ang mga
dayuhang namumuhunan sa ating bansa ngunit naging patok din ang iskemang ito
dulot ng pagpapairal ng mga makapangyarihang negosyante na nagdudulot ng
mahabang oras ng pagtratrabaho ng mga manggagawa kapalit ng mababang pasahod.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, dahil po ditto nawawalan ng
proteksyon ang mga mangagawa dahil sa pagkakaroon ng sistemang
kontraktuwalisasyon.
·
Maam, naging mababa ang pasahod
na ibinigay ng mga dayuhang kompanya.
|
2. Ano
ang dalawang uri ng subcontracting?
Guro:
Very Good!
Ito nga ang dalawang
uri ng subcontracting.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, ang ikalawang uri po ay ang
job-contracting ito ay mga subcontractor na may sapat na puhunan, wala itong
direktang itong direktang kinalaman sa mga Gawain ng mga kompanyang
pinapasukan.
|
3. Gaano
na kaya kalala ang krisis na kinakaharap ng ating bansa tungkol sa
unemployment at underemployment?
Guro:
Magaling mga bata!
Sa kabila ng mga
trbaho na bukas para sa mga manggagawa marami paring Pilipino ang walang
maayos na hanapbuhay. Katunayan ayon sa Philippine Statistics Authority
umaabot na sa 2.7 milyon ang walang trabaho, samantalang ang underemployed
naman ay nasa 7.4 milyon pa rin. Makikita natin sa datos na Malakimg
suliranin n gating bansa sa unemployment at underemployment.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, mas dumarami po ang bilang
ng mga mamamayan na unemployed.
·
Maam, sa kabila po ng mas
maraming oportunidad ng mga trabaho madami pa rin ang bilang ng mga walang
trabaho sa ating bansa.
|
4. Sa
paanong paraan nakakatulong ang mga OFW sa ekonomiya mg ating bansa?
Guro:
Magaling mga bata!
Ayon sa istadistika
lumalabas na 1 milyonng OFW ang lumalabas ng bansa taon-taon. Ang mga pera na
ipinapadala ng mg pilipinong nagtratrabaho sa ibang bansa ay malaking tulong
upang hindi sumadsad an gating ekonomiya sa krisis. Sa katunayan ay itinuturi
na developing country na an gating bansa dahil ito sa tulong ng mga OFW.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, dahil po Malaki ang kita o
salapi na inaangkat mg mga OFW sa ating bansa.
·
Maam mas umuunlad po ang mga
bansa lalong lalo na an gating bansa.
|
5. Ano
ang Job mismatch at bakit nagkaroon nito?
Guro:
Magaling mga bata!
Ang Job-mismatch ay tumutukoy
sa hindi angkop na kasanayan , kurso kaalaman ng mga abgong graduate o kahit
na sinong mangagawa sa mga trabaho na mayroon.
Ang maaring dahilan nito ay ang hindi
nakakasabay ang mga college graduate sa requirements ng mga kompanya na
nagbibigay trabaho.
4.23
milyon ang bakanteng trabaho sa loob at labas ng bansa ngunit 391,000 lamang
ang natangap sa iba’t-ibang posissyon mula 1.29, milyong aplikante.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, ito po ay tumutukoy sa
hindi kaangkupan ng kasanayan sa trabahong papasukan.
·
Maam, dahil poi to sa mga hindi
masisipag mag-aral hindi lubusang nalilinang ang kanilang kasanayan.
|
6. Sino
ang mga mamamayan na kabilang sa 22 milyong sinasabing hindi bahagi ng labor
force Participation Rate?
Guro: Mahusay mga
bata!
Ang LFPR at tumutukoy
sa proporsiyon ng mga mamamayan na aktibong kalahok sa produksyon ng bansa.
Ang mga taonghindikabilang ditto ay ang mga estudyante, full time mother at
mga taong walang trabaho o naghahanap
pa lamang.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, sila po yung masyado pang
bata para makalahok sa mga bagay na may kinalaman sa paggagawa.
·
Maam, maari din po na sila ang
Full time mother na hindi na lumahok sa pagtratrabaho.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
|
C. PAGLALAGOM:
Ngayon na natukoy na
natin ang mga suliranin sa paggawa na dulot ng globalisasyon. Magbigay ng mga
posibleng tugon ng ating bansa sa mga suliraning ito.
IV.
Paglalapat:
Sagutan ang Gawain 7 K-K-P-G Tsart sa pahina
204.
V.
Kasunduan:
1. .Sagutan
ang Gawain 9: imbentaryo ng mangagawa, pahina 207.
2. Magsaliksik
ng impormasyon ukol sa mga sumusunod na batas:
A. PD
442 o labor code
B. RA.
5490
C. Omnibus
investment Act of 1987
D. Ra.
6715
E. Department
Order 10 ng DOLE
F. Department
Order 18-02
Aralin 2 : Mga Isyu sa
Paggawa :
Paksa 3: Mura at
flexible labor: pagbangon ng mga manggagawa at ang kilusang manggagawa).
I.
Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin ang mga
mag-aaral ay inaasahang:
1. Naaanalisa
ang mga batas na pinaghanguan ng mura at flexible labor.
2. Naipapaliwang
ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino noon dahil sa Sistema ng
kontraktuwalisasyon
3. Nakabubuo
ng mga mungkahi upang malutas ang iba’t-ibang suliranin sa paggawa.
II.
Paksang Aralin:
Kontemporaryong
Isyu
-
Materyales:
1. Cartolina
2. Manila
paper
3. Marker
4. Chalk
5. Black
board
6. Module
III.
Pamamaraan:
Gawain
ng Guro
|
Gawain
ng mag-aaral
|
A. Panimulang
Gawain
|
|
1. Pagbati:
Magandang umaga sa
inyong lahat mga bata! Nawa ay maayos lahat ang inyong kalagayan.
2. Panalangin:
Ngayon bago tayo
magsimula sa ating aralin. Hingin muna natin ang gabay ng ating Panginoon. Sa
pangunguna ng isa ninyong kamag-aral.
3. Pagtatala
ng Liban:
4. Balik
Aral: ( Iskemang Subcontracting / unemployment at underemployment)
|
Mag-aaral:
Iyuko natin ang ating
mga ulo, ipikit an gating mga mata at tayo ay manalangin. Panginoon salamat
po sa araw na ito. Pagpalain nyo po an gaming Gawain at talakayan sa araw na
ito. Amen
|
B. Paglinang
ng Aralin:
1. Bakit
ang mura at flexible labor ay isa sa matinding hamon na kinakaharap ng mga
manggagawa?
Guro:
Mahusay mga bata, ang mura at flexible labor o mas kilala bilang
kontraktuwalisasyon ay isang paraan ng ginagawa ng mga kapitalista upang
palakihin ang kanilang kinikita at titutubo sa pamamagitan ng pagpapalabas na
hindi sila regular na manggagawa kaya nagkaroon ng mababang pasahod,
paglilimita sa panahon ng paggawa, kawalan ngseguridad, benipisyong at ilang
karapatan para sa mga manggagawa.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, dahil hindi po sumusweldo
ng sapat ang mga manggagawa dahil sa sistemang ito.
·
Maam, dahil po hindi natatangap
ng mga manggagawa ang benepisyo na dapat ay nakalaan sa kanila.
|
2. Anu-anong
mga batas ang pinag-hanguan ng pag-usbong ng mura at flexible labor?
Guro:
Magaling mga bata!
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga batas na
sinasabing pinaghanguan ng globalisasyon.
-
Una ay noong panahon ni Pangulon
Marcos na pinagtibay ang Presidential Decree 442 o labor Code na pinasimulan
ang flexible labor.
-
Ikalawa RA 5490- ito ang batas na
nagbukas ng (BEPZ) Bataan Export Processing Zone at iba pang EPZ na nagbukas
ng Pilipinas sa mas malayang kalakalan dahil sa pagbibigay ng pamahalaan ng
mga insentibo at iba pang benepisyo sa dayuhang kompanya.
-
Omnibus Investment Act of 1987 at
ang Foreign Investment Act na nagbigay
daan sa Tax exemption, Tax credits, Additional deduction fro taxable income,
at Non-fiancial incentives.
-
RA 6715 ( Herrera Law) Sa
pamamagitan ng mga probisyon ng batas sa pamumuhay at kalakalan at batas
paggawa. Medaling naipataw ng mga kapitalista ang patakarang mura at flexible
labor o kontraktuwlaisasyon.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, Labor Code po
·
Maam, Ang RA 5490 po
·
Maam, ang Herera Law po
·
Maam, ang mga batas po na pinasa
ng mga kongresisita at senador na inakakala nilang para sa pag-unlad ng
industriya ng bansa.
|
3. Bakit
binalasa o binalanse ang DOLE
Department Order 10 sa pamamagitan ng Department Order 18-02?
Guro:
Very Good mga Bata!
Nilalaman ng DO 10 ng Dole na maaring ipakontrata
ang mga trabahong hindi kayang gampan ng mga regular na manggagawa. Dahil
ditto madami ang bumatikos sa probisyong ito. Upang maiwasan ang mas
amalaking kaguluhan inilusad ang Department Order 18-02 na nagbabawal ng
pagpapakontrata ng mga trabaho na nagreresulta sa pagbabawas ng manggagawa at
pagbabawas ng kasapi sa union.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, Dahil po masyadong pabor
ang DO 10 sa mga kapitalista at hindi napapahalagahan o napagtutuunan
ngpansin ang pangangailangan ng mga manggagawa.
·
Maam, dahil po kailangan ng
pantay na karapatan para sa bawat isa.
|
4. Ano
ang epekto ng kontratuwalisasyon sa mga manggagawa?
Guro:
Nice Answer!!
Dahil sa Sistema ng kontraktuwalisasyon nagkaroon
ng maraming suliranin sa buhay ng mga manggagawa. Una ay hindi nabigyan ng
malaking pasahod ang mga manggagwa, napilitan silang magtrabaho sa hindi
ligtas na lugar para sa kanila, kawalan ng security of tenure, kawaln ng
karapatan na sumali sa union at pang-aabuso sa mga manggagawa.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, dahil po ditto mas
yumayaman ang mga kapitalista ngunit ang kalagayan ng mga mangagawa ay
naanatili sa kahirapan.
·
Maam, nawawala po ang karapatan
ng mga manggagawa na bumuo o sumali sa union.
|
5. Anu-ano
ang karapatan ng mga mangagawa?
Guro:
Good Job!
Ito pa ang iba sa kanilang mga karapatan.
-
Sumali sa mga union na Malaya
mula sa panghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa.
-
Makipagkasundo bilang bahagi ng
grupo sa halip na nag-iisa.
-
Ang kalagayan ng trabaho ay apat
na walang panganib sa kaligtasan ng mga mangagawa.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, bawal po ang sapilitang
trabaho lalo na ang mga mapang-alipusta o mapang-aliping hanapbuhay.
·
Maam, bawal po ang mabigat na
trabahong pangkabataan.
|
C. PAGLALAGOM:
Magbigay
ng isang problemang kinakaharap ng mga manggagawa dahil sa sistemang
kontratuwalisasyon at paano masusulusyunan ang suliraning ito.
IV.
Paglalapat:
Sagutan ang Gawain 10 pahina 214.
V.
Kasunduan :
Alamamin ang konsepto ng migrasyon at
magbigay ng mga dahilan kung bakit ginagawa ng tao ang prosesong ito.
Aralin 3: Migrasyon:
Paksa 1: Migrasyon Konsepto at konteksto
I.
Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin ang mga
mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipapaliwanag
ang konsepto at dahilan ng migrasyon sa loob at labas ng bansa.
2. Naisasalaysay
ang kahulugan ng mga mahalagang termino ukol sa migrasyon.
II.
Paksang Aralin:
Kontemporaryong
Isyu ( Migrasyon )
A. .Materyales:
1. Cartolina
2. Manila
paper
3. Marker
4. Chalk
5. Black
board
6. Module
III.
Pamamaraan:
Gawain
ng Guro
|
Gawain
ng mag-aaral
|
A. Panimulang
Gawain
|
|
1. Pagbati:
Magandang umaga sa
inyong lahat mga bata! Nawa ay maayos lahat ang inyong kalagayan.
Panalangin:
2. Ngayon
bago tayo magsimula sa ating aralin. Hingin muna natin ang gabay ng ating
Panginoon. Sa pangunguna ng isa ninyong kamag-aral.
3. Pagtatala
ng Liban:
4. Balik
Aral: ( Mura at Flexible labor)
|
Mag-aaral:
Iyuko natin ang ating
mga ulo, ipikit an gating mga mata at tayo ay manalangin. Panginoon salamat
po sa araw na ito. Pagpalain nyo po an gaming Gawain at talakayan sa araw na
ito. Amen
|
B. Paglinang ng Aralin:
|
|
1. Ano
ang migrasyon at anong dahilan ang siansabing nagtulak sa mga tao na
sumailalim sa prosesong ito?
Guro:
Mahusay mga bata!
Ang migrasyon ay proseso ng pag-alis o paglipat
mula sa isang lugar o territoryong political patungo sa iba pa maging ito man
ay pasamantala o permanente. Sa pagpasok ng makabagong teknolohiya ma bumilis
ang prosesong ito at may apat na dahilan sa pag-alis ang mga mamamayan at ito
ang mga sumusunod:
1. Upang
maghanapbuhay at kumita ng malaking salapi para sa ikauunad ng pamilya.
2. Minsan
naman ay dahil sab anta sa kaligtasan ng mamamayan tulad ng digmaan
napipilitan silang lisanin ang lugar na kanilang tinitiran.
3. Panghihikayat
ng iba pang kapamilya na naninirahan sa ibang bansa.
4. Pag-aaral
o pagkuha ng mas maraming kaalaman.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, ito po ay pag-alis ng mga
tao mula sa isang lugar patungo sa isa pa.
·
Maam, nagaganap po ang migrasyon
dahil sa pagnanais na mas maayos na buhay.
|
2. Ano
ang pagkakaiba ng terminong Flow at Stock
Guro:
Tama kayo mga bata!
Mahala ang mga terminong ito upang mas lalo nating
maunawaan ang proseso ng migrasyon. Kung ano ang pagkakaiba ng immigration sa
emigration ay isa pa sa mga dpat ninyong malaman. Ang immigration ay
tumutukoy sa pagpasok sa isang bansa samantalang ang emigration ay tumutukoy
naman sa pag-alis sa isang bansa.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, ang flow po ay tumutukoy sa
dami o bilang ng mga nadarayuhan na pumapasok sa bansa kada taon.
·
Maam, ang stock naman po ay
bilang ng mga nadarayuhan na nanirahan o nanatili sa bansang nilipatan
|
3. Bakit
tumataas ang bilang ng mga migranteng kababaihan?
Guro:
Magaling mga bata!
Ayon sa ilang mga datos may 48 porsyento ng mga
imigrante ay kababaihan dahil na rin sa laki ng pangangailangan sa gawaing
halos babe ang kalimitang gumagawa.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, dahil po mas mataas ang
pangangailangan sa isang pamilya kaya napipilitan ang mga kababaihan na
magtrabaho sa malayong lugar.
·
Maam, dahil bukas na po ang
kaisipan ng mga tao na ang kababaihan ay maari naring maghanapbuhay.
|
4. Saang
bansa ang kalimitang pinupuntahan ng mga migrante at bakit dito sila madals
magpunta?
Guro:
Very Good!
Ang United States of America, Saudi Arabia, United
Arab Emirates, Australia, Italy, United Kingdom, Qatar, Singapore ang mga
bansang kabilang sa top 10 tourist destination. Ang mga bansang ito ay
sinasabing maunlad kaya naman maraming mga Pilipino ang pumupunta sa mga
bansang nabanggit upang sila ay magtrabaho.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, marami po ang mga Pilipino
sa UAE.
·
Maam, sa USA po ang
pinakamaraming Pilipinong nandarayuhan sa pag-iisip na maganda ang buhay sa
lugar na ito.
|
C.Paglalagom:
Magbigay
ng dahilan kung bakit dumarami ang bilang ng mga Pilipinong migrante.
Ito
ba ay nakakabuti o nakakasama sa ating bansa?
IV.
Paglalapat:
Sagutan ang pahina 223 sa
inyong aklat.
V.
Kasunduan :
Basahin ang susunod na aralin ang perspektibo o
pananaw ukol sa migrasyon.
Aralin 3 : Migrasyon :
Paksa 2: Migrasyon Perspektibo at Pananaw
I.
Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin ang mga
mag-aral ay inaasahang:
1. Naaanalisa
ang iba’t-ibang uri ng migrasyon.
2. Nasusuri
ang pangkalahatang obserbasyon ukol sa migrasyon. ( Globalisasyon ng migrasyon,
pagkakaiba-iba ng uri ng migrasyon, pagturing sa migrasyon bilang isyung
political.
II.
Paksang
Aralin:
Kontemporaryong Isyu (Globalisasyon)
- Materyales:
1. Cartolina
2. Manila
paper
3. Marker
4. Chalk
5. Black
board
6. Module
III. PAMAMARAAN:
Gawain
ng Guro
|
Gawain
ng mag-aaral
|
A. Panimulang
Gawain
|
|
1. Pagbati:
Magandang
umaga sa inyong lahat mga bata! Nawa ay maayos lahat ang inyong kalagayan.
2. Panalangin:
Ngayon bago tayo magsimula sa ating aralin. Hingin
muna natin ang gabay ng ating Panginoon. Sa pangunguna ng isa ninyong
kamag-aral.
|
Mag-aaral:
Iyuko natin ang ating
mga ulo, ipikit an gating mga mata at tayo ay manalangin. Panginoon salamat
po sa araw na ito. Pagpalain nyo po an gaming Gawain at talakayan sa araw na
ito. Amen
|
B.Paglinang
ng Aralin
|
|
1. Mahalaga
ba ang migrasyon para sa mga Pilipino?
Guro:
Tama kayo mga bata!
Kung ang ekonomikal na kalagayan ng Pilipinas ang
pag-uusapan napakaramingtulong ang naidudulot ng Migrasyon. Tulad na nga ng
pagpunta ng mga Pilipino sa ibang bansa (OFW) na nagbibigay ng malaking
income sa ating bansa. Ang isa pa ay ang pagdagsa ng mga dayuhan na
nagpapasok ng malaking salapi sa ating bansa.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, mahalaga poi to dahil
marami pong Pilipino ang nagingibang bansa upang mabigyan ng maayos na buhay
ang kanilang mga pamilya.
·
Maam, mahalaga poi to dahil
maraming mga turista ang pumupunta sa ating bansa na parte ng proseso
migrasyon.
.
|
2. Bakit
tumaas ang bilang ng mga bansang nakakaranas at naapektuhan ng migrasyon?
Guro:
Nice Answer!
Dumarami ang bilang ng mga basnang nakakaranas ng
migrasyon sa kadahilanang una dahil sa mga makabagong teknolohiya at patuloy
na pagbubukas ng mga bansa tungo sa malayang kalakalan.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, dahil po ms mabilis ang mga
teknolohiya sa transportasyon na nagpapabilis ng paglipat o pangdarayuhan ng
mga tao mula sa isang lugar patungo sa isa pa.
·
Maam, dahil po mabilis ang
pakikipag-usap sa iba kaya po ang ibang mga tao ay naeenganyo na magpunta sa
iba’t-iang bansa.
|
3. Anu-ano
ang iba’t-ibang uri ng migrasyon?
Guro:
Magaling mga bata!
Bukod pa sa inyong mga nabanggit may isa pang uri
ng migrante at ito ay tinatawag na permanent migrats. Ang layunin ng mga
miranteng kabilang ditto ay hindi lamang pumunta sa ibang teritoryong
politakal upang magtrabaho kndi upang permanenteng manirahan sa lugar na iyon
, kalakip nito ay ang pagpapalit ng pagkamamamayan.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, ang una pong uri ay ang
irregular migrants na kung saaan ang mga mamamayan na nagtungo sa ibang bansa
ay hindi dokumentado.
·
Maam, ang ikalawa pong uri ay ang
temporary migrants kung saan ang mga mamamayan na nagtungo sa isang bansa na
kumpleto ng papels at permiso ay babalik din sa bansang pinangalingan sa
takdang panahon.
|
4. Ano
ang Migration Transition?
Guro:
Tama mga bata!
Ito ay maaring mangyari sa kadahilanang ang bawat
bansa ay nabibigyan ng oportunidad na umunlad at makilahok sa iba pang
kalakalan upang palakasin ang kanilang ekonomiya.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, ito po ay nangyayari kapag
ang nakasanayang bansang pinagmumulan ng mga nandarayuhan ay naging
destinasyon narin ng mga manggagawa at refugees.
|
5. Sa
inyong palagay anong kasarian ang madalas na nangingibang bayan?
Mga kababaihan ba o kalalakihan?
Guro:
Magaling mga bata!
Sa katunayan mas marami ang mga kababaihan na
nangingibang bansa ayon sa datos noong 2005-2008 ang ratio ng umaalis n gating bansa ay 65/
male at 100/female. Ito ay nangyayari dahil ang isipan ng mga Pilipino ay bukas
na. hindi nalamang puro kalalakihan ang maaring maghanapbuhay pati narin ang
mga kababaihan.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, mga kalalakihan po ang mas
marami ang bilang ng nangingibang bayan.
·
Maam, mga kababaihan po ang mas
marami.
|
6. Ano
ang epekto ng pagdami ng mga kababaihang nagngngibang bansa sa pamilyang
Pilipino?
Guro:
Mahusay mga bata !
Totoo na napakaraming tulong ang naibibigay ng mga
OFW sa ating bansa ngunit sa pagkakroon din nito naapektuhan ang pangunahing
bahagi ng ating lipunan. Ang pamilya ay hindi nabibigyan ng sapat na atensyon
n gating pamahalaan. Sa kaso ng PIlipinas tila nagkaroon ng konsepto ng “
House Husband” kung saan ang kalalakihan ang gumagawa ng gawaing bahay pati
narin ng pag-aalaga sa kanilang mga anak.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, marami pong mga kabataan
ang napapariwara ang buhay dahil hindi napatnubayan ng kanilang mga magulang.
·
Maam, ang mga pamilya o mag-asawa
po ngayon ay madalas na napupunta sa hiwlayan.
|
7. Anu-
anong kapahamakan ang maaring dulot ng migrasyon?
Guro:
Magaling mga bata!
Marami pa ang mga pilipinong nagiging biktima ng
iba’t-ibang kaso ng pang-aabuso tulad ng sapilitang pagtratrabaho sa sobrang
hirap ng buhay at kawalan ng sapat na pasahod. Nandyan din ang iba’t-ibang
kaso ng pinagbintangan mga Pilipino sa krimen na hindi naman nila ginawa.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, madami pong mga Pilipino
ang nagiging biktima ng iba’t-ibang krimen tulad ng Forced labor at pisikal
at sekswal na pang-aabuso.
|
C.Paglalagom
Sa kabuohan n gating tinalakay
magbigay ng mabuti at di-mabuting epekto ng migrasyon sa ating bansa?
IV.
Paglalapat:
Panuto: Tukuyin ang sagot na hinihingi
ng bawat katanungan. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
__________1. Ito ay tumutukoy sa proseso
ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong political patungo sa
iba pa?
__________2. Ito ay tumutukoy sa dami o
bilang ng mga tao na nandarayuhan sa isang bansa?
__________3. Ang bilang ng mga
nadarayuhan na natili sa bansang ilipatan ay tumutukoy sa _______?
_________4. Anong uri ng migrants ang tinutukoy
kapag ang maamamayan na nagtungo sa isa pang bansa ay hindi dokumentado?
_________5. Ano ang terminong titutukoy
kung ang bansa na dating pinagmumulan ng nadarayuhan ay siya naring dinarayo ng
ibang mga tao.
V.
Kasunduan:
Basahin at aralin ang isyu at hamong pangkasarian.
3rd Grading
Period!
Aralin 1: Isyu at
hamong Pangkasarian: Paksa 1: kasarian sa iba’t-ibang lipunan
I.
Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin ang mga
mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipapaliwanag
kung paano tinitignan ang isang babae o lalaki sa lipunan.
2. Napapahalagahan
ang gampanin ng kababaihan at kalalakihan sa ating lipunan.
II.
Paksang Aralin:
Kontemporaryong
Isyu ( Isyu at hamong pangkasarian. )
A. .Materyales:
7. Cartolina
8. Manila
paper
9. Marker
10. Chalk
11. Black
board
12. Module
III.
Pamamaraan:
Gawain
ng Guro
|
Gawain
ng mag-aaral
|
A. Panimulang
Gawain
|
|
1. Pagbati:
Magandang umaga sa
inyong lahat mga bata! Nawa ay maayos lahat ang inyong kalagayan.
Panalangin:
2. Ngayon
bago tayo magsimula sa ating aralin. Hingin muna natin ang gabay ng ating
Panginoon. Sa pangunguna ng isa ninyong kamag-aral.
3. Pagtatala
ng Liban:
4. Balik
Aral: (Globalisasyon sa Migrasyon)
|
Mag-aaral:
Iyuko natin ang ating
mga ulo, ipikit an gating mga mata at tayo ay manalangin. Panginoon salamat
po sa araw na ito. Pagpalain nyo po an gaming Gawain at talakayan sa araw na
ito. Amen
|
B. Paglinang ng Aralin:
|
|
1. Paano
nga ba natin tinitignan ang babae at lalaki sa ating lipunan?
Guro:
Magaling mga
bata!
Kadalasan sa ating lipunan
lalaki ang karaniwang inaasahang bumuhay sa kanilang mag-anak. Sila ang
nagtrabaho para makapagpadala ng salapi o kabuhayan sa pamilya. Sa kabilang
banda ang mga kababaihan naman ay inaasahan na maging tagapag-aruga ng
kanilang mga anak at ng mga gawaing bahay.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, mas madalas po nating
tignan na ang mga kalalakihan ay mas malakas kaysa sa mga kababaihan.
·
Maam, madalas po na iniuugnay
natin ang mga kababaihan sa mga gawaing pantahanan at ang mga kalalakihan
naman po ay sa mga mabibigat na trabaho.
|
2. Sa
inyong palagay kailan kaya nagsimula ang ganitong pananaw sa mga kababaihan
at kalalakihan sa ating lipunan.
Guro:
Mahusay mga bata!
Ayon sa mga dalubhasa
ang ganitong pagtanaw natin sa mga kababaihan at kalalakihan ay maiuugat
natin sa o mula pa ng panahon ng lumang bato o paleotiko na ang mga lalaki
ang nangangaso at nangangalap ng pagkain para sa ikabubuhay ng pamilya.
Nakakabit naman sa kababaihan ang tungkulin na alagaan ang mga anak at maging
abala sa gawaing bahay. Makikita natin ditto na ang pagtingin natin sa
kalalakihan at kababaihan ay may malalim na pinagmulan.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, siguro po ang gawa ng
pananakop sa atin ng mga espanol na mas kinikilala na dominante ang mga lalake
kaysa sa mga babae.
·
Maam, dala poi to n gating
pananaw na ang mga kababaihan ay mahina at ang mga kalalakihan ay malakas.
|
3. Ang
pagtanaw ba natin sa kababaihan at kalalakihan ay gaya parin ba ng pagtanaw
natin noon nagdaang panahon sa kanilang gampanin sa lipunan?
Guro:
Tama kayo mga bata!
Sa panahon natin ngayon mas naging bukas na
ang isipan ng mga tao sa kung paano titignan ang kababaihan at kalalakihan sa
ating lipunan. Mas nagkaroon nan g karapatan ang mga kababihan at mas naging
mas maayos ang kanilang pamumuhay. Gayon pa man may mga pagkakaktaon na hindi
parin ganon katas ang tingin natin sa mga kababaihan na mas makapangyarihan
parin ang mga kalalakihan kaysa sa babae.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, ang pagtanaw po natin sa
kababaihan at kalalakihan ay parehas pa rin po sa pagtanaw o pagkilala natin
sa kanila ngayon.
·
Maam, may pagkakataon din po na
unti-unti na pong naiba ang ating pagtingin sa mga kababaihan at ito na rin
po ay sumasabay sa pag-inog ng mundo.
|
4. Ano
ang ibig sabihin ng LGBT?
Guro:
Very Good!
Ang terminong LGBT ay
tumutukoy sa mga tao na ang kasarian ay ( Lesbian, gay, bisexual at
transgender ) na nagnanaisa ding matanggap sa lipunan.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, ito po ay tumutukoy sa
organisadong organisasyon na nagsusulong ng karapatan ng mga bisexual at mga
kasarian na iba sa babae at lalaki.
|
5. Ang
mga tao bang kabilang sa LGBT ay lantad sa ating lipunan o hindi ?
Pangatwiranan.
Guro:
Magaling mga bata!
Sa panahon natin
ngayon ay unti-unti na nating tinatangap ang mga tao na kabilang sa LGBT dala
na mga rin ng kanilang patuloy na pagkilos tungo sa inaasam nilang pantay na
karapatan at pagtanggap sa lipunan.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, opo dahil marami pong mga
babae at lalaki na nagsasabi at kumikilos ng hindi ayon sa kanilang likas na
kasarian.
·
Maam, opo dahil marami din pong
mga sikat na artista at personalidad sa politika ang nagsusulong ng pantay na
pagtingin para sa lahat.
|
C.Paglalagom:
Bakit
natin kailangan na malaman kung paano natin tinitignan o i-uri ang kababaihan
at kalalakihan?
IV.
Paglalapat:
Sumulat ng sanaysay
patungkol sa pagtingin at gampanin na ibinigay ng lipunan sa mga babe at
lalaki.
V.
Kasunduan:
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na
termino:
1. Sex
at gender
2. Transgender
3. Homosexual/
heterosexual
4. Asexual
5. Femine/
masculine
Aralin 1: Isyu at
hamong Pangkasarian: Paksa 1: kasarian sa iba’t-ibang lipunan konsepto ng
kasarian
I.
Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral
ay inaasahang:
1. Naipapaliwanag
ang iba’t-ibang uri ng sexual orientation at LGBT.
2. Naipapahayag
ang sariling pakahulugan sa gender at sex.
3. Nasusuri
ang mga uri o katangian ng gender at sex.
II.
Paksang Aralin:
Kontemporaryong
Isyu ( Isyu at hamong pangkasarian. )
A. .Materyales:
1. Cartolina
2.
Manila paper
3.
Marker
4.
Chalk
5.
Black board
6.
Module
III.
Pamamaraan:
Gawain
ng Guro
|
Gawain
ng mag-aaral
|
A. Panimulang
Gawain
|
|
1. Pagbati:
Magandang umaga sa
inyong lahat mga bata! Nawa ay maayos lahat ang inyong kalagayan.
2. Panalangin:
Ngayon bago tayo magsimula sa ating aralin. Hingin muna natin ang gabay ng
ating Panginoon. Sa pangunguna ng isa ninyong kamag-aral.
3. Pagtatala
ng Liban:
4. Balik
Aral: (Kasarian sa iba’t-ibang lipunan.).
5. Motibasyon:
Picture Analysis
Sex at gender
|
Mag-aaral:
Iyuko natin ang ating
mga ulo, ipikit an gating mga mata at tayo ay manalangin. Panginoon salamat
po sa araw na ito. Pagpalain nyo po an gaming Gawain at talakayan sa araw na
ito. Amen
|
B. Paglinang ng Aralin:
|
|
1. Ano
ang pagkakaiba ng gender at sex?
Guro:
Mahusay mga bata!
Bilang pagpapalalim
sa kahulugan nito ang “ Sex” ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na
katangian ng babae at lalaki na nagtatakda ng kanilang kasarian.
Hal. Ang babae ay
nagkakaroon ng buwanang regla.
Samantalang ang
gender naman ay tumutukoy sa gampanin, gawain at kilos na itinakda ng lipunan para sa babae
at lalaki.
Hal. Ang mga babae ay
dapat na mahinhin at ang mga lalaki naman ay matipuno.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, yung sex po ay tumutukoy
kung female o male kung ano po ang kasarian mo ng ipinanganak ka.
·
Maam, ang gender naman po ay
tumutukoy sa kung ano ang nararanasan mong malalim na damdamin para sa iyong
sarili.
|
2. Magbigay
ng katangian ng isang babae at lalaki kung ang pagbabasehan sa pagkakaiba ng
kasarian ay sex?
Guro:
Tama mga bata kapag “Sex” ang
pinag-uusapan ito ay tumutukoy sa pisikal at biyolohikal na pagkakaiba ng
lalaki at babae.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, Halimbawa po ang mga babae
ay nagkakaroon ng dibdib.
·
Maam, ang mga lalaki naman po ay
may testicles.
|
3. Magbigay
ng mga gampanin , kilos at Gawain na itinakda ng lipunan sa babae at lalaki?
Guro:
Very Good!
Ang mga ibinigay
ninyong halimbawa ay tama. Idagdag pa antin dito ang pagtingin na dapat ang
kilos ng mga kababihan ay mahinhin, mapagtimpi, mapagbigay, tahimik at
mahusay sa gawaing bahay.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, para po sa mga babae sila
po ay inaasahang gumawa ng gawaing bahay.
·
Maam, sa mga lalaki naman po mas
kinikilala po silang makapangyarihan at malakas.
|
4. Ano
ang pagkakaiba ng sexual orientation at gender identity?
Guro:
Magaling mga bata!
Kung tititgnan mas nakapokus sa
nararamdaman sa kapwa o s aibang tao ang sexual orientation.
Ang gender identity naman ay mas
nakapokus sa sarili mong damdamin para sa inyong sarili. Kung gusto mo ba ang
kilos na ibinibigay sa iyo ng lipunan.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, ang sexual orientation po
at tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksyon ,
o emosyon at sexual sa ibang tao.
·
Maam, ang gender identity naman
po ay tumutukoy sa malalim na dadaming pang personal o karanasang
pangkasarian.
|
5. Ano
ang tatlong uri ng Sexual orientation at paano ito nagkakaiba?
Guro:
Mahusay mga bata!
Bukod pa sa sinabi
ninyo mayroon pa tayong tinatawag na bisexual kung saan ang isang tao ay
nakaramdam ng atraksyon sa parehong kasarian ( lalaki at babae).
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, may tinatawag po tayong
heterosexual. ito ay ang mga babae at lalaki na nagkakagusto sa kanilang
opposite sex o kabaligtaran ng kanilang kasarian.
·
Maam, ang isa pa pong uri nito ay
ang homosexual na may pagnanasa sa kasariang tulad ng sa kanila.
|
6. Ano
ang pakahulugan sa bakla o tomboy sa ating lipunan?
Guro:
Very Good!
Tila ang bawat isa sa
atin ay pamilyar sa mga terminong ito dahil sa mas naging bukas na an gating
kaisipan sa mga taong kabilang ditto at sa ganitong usapin.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, ang bakla po ay tumutukoy
sa mga lalaking nagkikilos babae at umiibig sa kapwa nila lalaki.
·
Maam, ang lesbian naman po ay ang
mga babe na nagkikilos ng panlalaki at umiibig sa kapwa nila babae.
|
7. Ano
ang transgender at sino ang kilala ninyong kabilang ditto?
Guro:
Nice Answer!
Ang ganitong
kalagayan ay nagdudulot din ng kaisipan o damdaminna magpabago ng biyolohikal
na katangian. Kaya dumarami angmga nagpapasex-change at umiinom ng
iba’t-ibang mga gamot para magkaroon ng dibdib o kaya naman ay magtanggal ng
away sa katawan.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, ito po ay mga babae at
lalaki na hindi naaayon ang kanilang Gender Identity sa Sexual Orientation na
kung saan ito ay nagdududlot ng hindi pagiging masaya sa kanilang
oryentasyong seksyuwal.
|
C.Paglalagom:
Magbigay o pumili ng isang paksa mula sa
ating aralin na pumukaw sa iyong kaisipan at damdamin.
IV.
Paglalapat:
Sagutan ang Gawain 4& 5
Panuto: piliin ang
tamang sagot mula sa kahon ng kasagutan.Isulat ang sagot sa patlang bago ang
bilang.
_______1. Ito ay
tumutukoy sa babae o lalaki na hindi tugma ang oryentasyong seksyuwal sa kanyang gender Identity?
_______2. Ito ay uri ng
Oryentasyong seksyuwal na kung saan ang isang babae ay nagkakagusto sa kapawa
nito?
_______3.Ito ay
tumutukoy sa pagkakakilanlan ng babae at lalaki na ayon sa biyolohikal na
katangian?
_______4. Ang ibingay
na katanggap-tanggap na kilos, gampanin sa isang lalakit o babae ay tinatawag
bialng________?
_______5. Ano ang tawag
sa mga babae na kumikilos ng tulad sa lalakit at umiibig sa parehong kasarian?
Gender Lesbian Transgender Homosexual Sex Gay Bisexual
|
Aralin 1: Isyu at
hamong Pangkasarian: Paksa 4: kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas
I.
Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin ang mga
mag-aaral ay inaasahang:
1. Nailalahad ang mga pangyayari sa
kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas.
2. Naiisa-isa
ang mga samahang nabuo, mga resulta ng kilos na ginawa ng LGBT.
3. Napapahalagahan
ang karapatan ng mga LGBT sa ating bansa.
II.
Paksang Aralin:
Kontemporaryong
Isyu ( Isyu at hamong pangkasarian. )
B. .Materyales:
1.Cartolina
2.
Manila paper
3.
Marker
4.
Chalk
5.
Black board
6.
Module
III.
Pamamaraan:
Gawain
ng Guro
|
Gawain
ng mag-aaral
|
A. Panimulang
Gawain
|
|
1. Pagbati:
Magandang umaga sa
inyong lahat mga bata! Nawa ay maayos lahat ang inyong kalagayan.
2. Panalangin:
Ngayon bago tayo magsimula sa ating aralin. Hingin muna natin ang gabay ng
ating Panginoon. Sa pangunguna ng isa ninyong kamag-aral.
3. Pagtatala
ng Liban:
4. Balik
Aral: ( Gender Role sa Pilipinas).
5. Motibasyon:
Charades
|
|
B. Paglinang ng Aralin:
|
|
1. Saang
bahagi n gating kasaysayan maiuugat ang pagkakaroon ng LGBT sa ating bansa?
Guro:
Magaling mga bata!
Sa nagdaan nating
talakayan ay ating napag-usapan ang tungkol sa mga babaylan. Sila ang mga
lider-ispiritwal namay malaking tungkulin sarelihiyon ng mga ninuno natin
noon. Ngunit hindi lamang puro babae ang mga naging babaylan mayroon ding mga
lalaki na nagbibihis babae, kumikilos na parang babae upang di-umanoy ay pakingan sila ng mga espiritu na
kanilang pinagdadasalan.
Ang mga lalaki ding ito ay nagpapakasal
sa kapwa nila lalaki at nagkakaroon din ng seksyuwal na relasyon ditto. Sila
ay ginagalang sa lipunan noon dahil sa kanilang gampanin sa lipunan ay mataas
at pinapahalagahan.
Ngunit sa pagdating
ng mga Espanol ang mga babaylan ay nag-iba ng gampanin at maraming mga impormasyon
tungkol sa kanila ang nabura sa kasaysayan ng bansa.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, maari po na noong sinaunang panahon pa
lamang ay mayroon na mga bakla o iba pang kasarian.
·
Maam, siguro po meron na dati pa
na mga bakla ngunit hindi lang ito ganon katanggap-tangap sa lipunan.
|
2. Bakit
sinasabi noong dekada 60 umusbong ang Philippine Gay Culture sa bansa?
Guro:
Mahusay mga bata!
Ang mga akda nila
Victoria Gamboa , Henry Fenstra, Lee Sechret at Luis Flores ay nagbukas sa
isipan ng mga Pilipino tungkol sa Homo seksyuwalidad.
Ang pagbilis ng
pagpapasa ng impormasyon dahil narin sa pagbilis ng teknolohiya , mas naging
madali ang papasa ng ideya at pananaw mula sa ibang bansa lalo na tungkol sa
LGBT.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, dahil po sa panahong ito
nagkaroon ng ideya ang mga Pilipino sa ginagawang pagkilos ng grupo ng LGBT
sa ibang bansa.
·
Maam, marami pong akda ang
naisulat tungkol sa homoseksuwalidad.
|
3. Anu-ano
ang mga pasulong ang inilunsad upang maging daan sa pag-usbong ng kamalayan
ng mga Pilipino sa sitwasyon ng mga LGBT?
Guro:
Very Good mga bata!
Bukod pa ditto isang
malaking pagkilos ng sumali ang di kilalang grupo ng Lesbian Collective sa
martsa ng mga kababaihan noong marso 1992 sa internationals Womens Day.
Noong 1993 ay
itinatag ang Progay Philippines.
1992- UP babaylan ang
pinakamatandang Organisadong Organisasyon.
ClIC- Cannot Live In
A Closet
LeAP ( Lesbian
Advocates of the Philippines)
Akbayan Citizens
Action Party
1999- LAGABLAB-
Lesbian and gay Legeslative advocacy.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, ang paglabas po ng ladLad,
isang antolohiya ng panulat ng mga Pilipinong miyembro ng gay community
inedit nina Danton Remoto at J Neil Garcia noong 1993.
·
Maam, maidaragdag din ang
isinulat ni margarita go –Cinco Holmes na ADifferent Love : Being a Gay in
the Philippines.
|
4. Bakit
sa simula ay hindi pinayagan ng COMELEC na tumatakbo ang partidong LADLAD
2003?
Guro:
Mahusay mga bata!
Noong panahon na ito
aay hindi pa ganon katangap sa lipunan ang sitwasyon ng LGBT. Itinuturing ang
kanilang nararamandaman ay immoral at laban sa kautusan n gating Panginoo.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, Dahil po konserbatibo pa po
an gating mga kababayan sa panahong ito.
|
5. Noong
2010 ay pinayagan na ang LadLad na sumali sa halalan . bakit ito nangyari?
Guro:
Nice Answer!
Ang partidong LADLAD
na itinatag ni Danton Remoto isang propesor sa Ateneo De Manila University ay
pinayagan ng katas-taasang hukuman ng Pilipinas na lumahok sa halalan. Bilang
pagrespeto sa kanilang karapatan at bilang paggalang sa kanilang katauhan.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Dahil, unti-unti nap o na
nabubuksan ang isipan ng mga Pilipino sa kalagayan ng mga LGBT.
·
Maam, dahil po madami pong
ginwang hakbang ang LGBT upang matangap sila ng Lipunan.
|
C.Paglalagom:
Bakit mahalaga ang
pagkakaraon ng pantay na pagtingin at karapatan sa lahat ng kasarian maging
LGBT?
IV.
Paglalapat:
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod:
______1.
Isang lider-ispiritwal na may tungkulin panrelihiyon at maihahalintulad
sa mga sinaunang priestess at shaman?
______2. Kailan umusbong ang Philippine
Gay Culture sa bansa?
______3. Sino ang sumulat ng : A different Love being Gay in the Philippines?
______3. Sino ang sumulat ng : A different Love being Gay in the Philippines?
______4. Ano ang ibig sabihin ng Acronym
ng LeAP?
______5. Sino ang nagtatag ng partidong LADLAD?
Sagutan ang Gawain 7 History Challenge
sa pahina 272.
V.
Kasunduan:
Basahin ang susunod na aralin ang gender
role sa iba’t-ibang lipunan sa mundo.
Aralin 1: Isyu at
hamong Pangkasarian: Paksa: Gender Role sa iba’t-ibang lipunan sa mundo
I.
Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin ang mga
mag-aaral ay inaasahang:
1.
Nailalahad
ang kalagayan ng mga kababaihan sa iba’t- ibang parte ng mundo lalo na sa
Africa at kanlurang Asya.
2. Naiuulat
ang pagkakapareho at pagkakaiba ng gampanin ng bawat kasarian sa iba’t-ibang
pangkulturang pangkat sa New Guinea.
3.
Nakapagsasaliksik kung mayroon din mga
pangkat sa Pilipinas kung saan may kakaibang gampanin ang mga lalake at babae.
II.
Paksang Aralin:
Kontemporaryong
Isyu ( Isyu at hamong pangkasarian. )
B.
.Materyales:
1.Cartolina
2.
Manila paper
3.
Marker
4.
Chalk
5.
Black board
6.
Module
III.
Pamamaraan:
Gawain
ng Guro
|
Gawain
ng mag-aaral
|
A. Panimulang
Gawain
|
|
1. Pagbati:
Magandang umaga sa
inyong lahat mga bata! Nawa ay maayos lahat ang inyong kalagayan.
2. Panalangin:
Ngayon bago tayo magsimula sa ating aralin. Hingin muna natin ang gabay ng
ating Panginoon. Sa pangunguna ng isa ninyong kamag-aral.
3. Pagtatala
ng Liban:
4. Balik
Aral: ( Kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas).
Magbigay ng mga taong
may malaking gampanin sa pag-usbong ng LGBT sa Pilipinas.
|
|
B. Paglinang ng Aralin:
|
|
1. Anu-anong
karapatan ang napagkakait sa mga babae at miyembro ng LGBT sa Kanlurang Asya at
Africa?
Guro:
Very
Good mga bata!
Sa
mga rehiyong mahigpit ang lipunan para sa babae lalo na sa mga miyembro ng
LGBT. Maraming karapatan ang ipinagkakait sa mga babae dahil sa maliit na
pagtingin sa kanila ng lipunan. Noong ika-20 na siglo lamang pinayagan ng
bansa sa Africa at Kanlurang Asya ang pagboto ng kababaiha. Ngunit ang bansa
ng Saudi Arabia ay hindi pa rin pumapayag sa pagboto ng mga kababaihan.
Makikita natin sa mga impormasyon ito ang hindi pantay na karapatan sa mga
lalaki at babae maging sa ibang kasarian.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, ang mga babae po sa lugar
na ito ay walang kakayahan na makaboto.
·
Maam, hindi po pinayagang
magmaneho ng sasakyan ang mga babae sa Saudi Arabia.
|
2. Bakit
maraming kababaihang nagiging biktima ng pang-aabusong (seksyuwal at
pisikal)?
Guro:
Nice Answer mga bata!
Mayroong mga bansa na hindi pinayagan ang mga
babae na maglakbay nang mag-isa o kung papayagan man ay nahaharap sa malaking
banta ng pang-aabusong seksyuwal. Maaaring ang dahilan sa iba’t-ibang
pang-aabuso ay dahil na rin sa iba’t-ibang paniniwala at tradisyon. Ayon sa
datos ng World Health Org. may 125 milyong kababaihan ang biktima ng Female
Genital Mutilation sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Ang gawaing
ito ay nagpaptuloy dahil sa paniniwala mapapanatili nitong walang bahid
dungis ang babae hanggang siya ay maikasal. Ang ganitong Gawain ay
maituturing na paglabag sa karapatang pantao ng mga kababaihan.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, dahil po iniisipng mga tao
na mahina ang mga kababihan.
·
Maam, dahil po kadalasan sa isang
lipunan maliit ang pagtingin sa mga kababaihan.
|
3. Ano
ang katangian ng mga lalaki at babae sa pangkat ng Arapesh?
Guro:
Magaling mga bata!
Sinasabing walang pangalan ang mga tao sa lugar na
ito at di tulad ng katangian ng karamihan sa mga lipunan na ang kalalakiha ay
matapang, agresibo at malakas. Samantalang ang mga babae naman ay mahinhin at
mapagmahal. Ngunit sa sitwasyong ito parehong katangian ng lalake at babae ay
maalaga at maaruga sa kanilang mga anak. Sila din ay may kooperasyon sa bawat
isa.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, ang mga babae at lalaki po
sa lugar na ito ay parehong mapagmahal at maaruga.
|
4. Ano
naman ang katangian ng mga lalaki at babae sa pangkat ng mundugumur?
Guro:
Very Good!
Sa sitwasyon naming ito ay parehong may katangiang
ng mas madalas nakikita sa kalalakihan ang mga babae at lalaki sa lugar na
ito.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, sa sitwasyon naman pong ito
ay agresibo ang parehong lalaki at babae.
·
Maam, pareho din po silang
matapang at bayolente.
|
5. Ano
ang naging obserbasyon nila Margaret Mead at Reo Fortune sa Pangkat ng
tchambuli?
Guro:
Mahusay mga bata!
Sa pagkakataong ito ay maaaring mailarawan natin
ang kilos ng mga babae at lalaki na magkabaliktad. Sa pangkat na ito ang mga
babae ang dominante kaysa sa mga lalaki, sila rin ang naghahanap ng makakain
para sa kanilang pamilya, samantala ang mga lalaki naman ay inilarawan bilang
abala sa pag-aayos sa kanilang sarili at mahilig sa mga kwento. Makikita
natin ditto ang napakalaking pagkakaiba ng babae at lalaki sa pangkat na ito
kumpara sa nakasanayan,
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, ang kabilang po sa pangkat
na ito ay magkaiba ang gampanin ng mga lalaki at babae.
·
Maam, ang mga babae po sa pangkat
na ito ay agresibo.
·
Maam, ang mga lalaki naman po ay
maayos sa sarili.
|
6. Sa
inyong palagay, bakit kaya nagkakaiba ang mga kilos at gampanin ng bawat
kasarian sa iba’t-ibang lipunan?
Guro:
Very Good!
Makikita natin ditto
na walang pare-parehong gampanin o kilos para sa lahat ng babae at lalaki.
Ang bawat lipunan ay may itinakdang karapat-dapat na kilos, Gawain at
gampanin ayon sa karamihan. Ito ay base sa kanilang paniniwal, relihiyon at
tradisyon na matagsl nang umiiral sa kanilang lipunan.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, napatunayan lamang po nito
na hindi ka ipinanganak na alam mo na ang iyong gampanin.
·
Maam, dahil po iba-iba ang paniniwala ng bawat lipunan.
|
C.Paglalagom:
1.
Bakit mahalagang malaman ang ibat-ibang pagtingin sa bawat kasarian sa
iba’t- ibang panig ng mundo?
2.
Magbigay ng isa sa mga paksang natalakay ang nakapukaw ng inyong atensyon?
IV.
Paglalapat:
Sagutan ang pahina 277-279
V.
Kasunduan:
1. Sagutan
ang pahina 280
2. Pag-aralan
ang sumusunod na aralin mga isyu sa kasarian at lipunan.
REFLECTION ON
EXAMPLE OF LESSON
PLAN USED
Lesson plan, since in first year of my study as an education student I always hear about it. Some says that if engineer has a blueprint for the building they are going to build, teachers have lesson plan as a blueprint of the things they need to build for their student. Some say that lesson plan is the most important thing that must be learned by a teacher. I could say that I also believe on what they are saying because I experience to create, implement and evaluate lesson plan. Lesson plan is really important for a teacher because a pupils growth will depends on the selection of subject, matter, activities, experience, and method adapted to his interest, needs, abilities and level of maturity. A lesson plan includes framing of objectives and choosing subject matter, procedures, materials and evaluation techniques. Another making a lesson plan involves foreseeing what is likely to happen and choosing experiences that will change children for the better. The wise teacher who plans his lesson well gets optimum result in his teaching this is one of the quotation in our principles of teaching that I will never forget.
If there is one thing that I really get a hard time on dealing with, it is lesson plan. I thought being a teacher is an easy task to do you just need to talk and talk and talk and that’s it but in reality teaching is a huge challenge every day. Imagine I need to write detailed lesson plan each day. If I will compute the time I spend in doing my lesson plan each day it will have a total of 5 hours. I need to familiarize myself about the topic daily and I will formulate my objectives after that I need to think for questions that I need to ask to my student that will develop their critical thinking. Then I will think of a certain activity that is align with my objectives and will develop their skills to work with others. I admit that at first I feel bad at my cooperating teacher because it is really hard to make detailed lesson plan daily but now I really thank her because she trained me well and I guess I am ready to face my career as a professional teacher.
Word of wisdom, treasure every moment that you have don’t rush things out because in every situation there are always a wisdom that we can get and every experience there are always people you will never forget.
HI maam ask ko lang po may power point presentation ka po ba nito?
ReplyDelete