Reflection on Best Lesson Plan used.
The best lesson plan
that I use is my lesson plan on my demonstration. I
really prepare for this demonstration and I make sure that everything will be
fine. For my motivation I choose Puzzle analysis. Student are going to complete
every missing piece of the puzzle when they are finish, they need to analyze
the picture and discuss its relationship with gender roles in the
Philippines. I want to develop my student
critical thinking and organizing ideas in their own. It will also help them to
solve problem and find the missing link in the puzzle. Aside from it they can
also connect their previous knowledge on the present topic or lesson. This
activity will also enhance how they will cooperate and work as a team. Another
this activity will also set their mind to answer problems and question on time.
For their evaluation they need to present a
tableau that will show the situation of women and men in the Philippines during
different times in the History. First
group present the privilege that man have during the pre-colonial era. Example man
has a higher opportunity to be place in higher position in the society like
being a datu. On the other hand women also gain respect and higher value during
that time like the “ Binukot” and “babaylan” .This activity will demand the
whole body of the student. They need to use their mind to think for the
situation that they are going to portray. They need their kinesthetic skills to
present and portray the situation. This activity will also boost their
confidence to deal with other people. In
conclusion you need to include every aspect of your student to ensure that what
they learn will last longer.
I
am really happy about the feedback that I got from my student, cooperating
teacher and supervisor. It’s a great achievement for me as a student teacher
but a sweet beginning in my journey as a real teacher. I am overwhelmed about
their comment and I will surely cherish their advice in my heart and in my mind
but for now I just want to enjoy every single minute remaining in my time as a
student teacher. I will truly treasure every moment that happen in my
cooperating school. The advice of my supervisor, cooperating teacher and head
teacher will always be my sword and shield in the new battle that I am going to
face as a professional teacher. I know I have a lot of things to learn and to
experience for me to be a better teacher. Therefore I will do everything to be
a successful teacher that will lead the next generation in peace and prosperity.
Bulacan State
University
Malolos, Bulacan
Lolomboy
National High School
Bunducan Bocaue, Bulacan
MASUSING
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN
Ika-
10 Baitang
KONTEMPORARYONG
ISYU
Inihanda
ni:
ABIGAIL
G. CO
BSED-
SOCIAL STUDIES
Binigyang
Pansin ni:
Gng. ELEONOR C. SIBUNAL
Cooperating
Teacher
BANGHAY ARALIN SA ARALING
PANLIPUNAN IKA-10 BAITANG
( KONTEMPORARYONG ISYU)
Gender Role sa Pilipinas
I.
LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng aralin
ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nasusuri ang gender role sa Pilipinas sa
iba’t-ibang panahon.
2. Nakagagawa ng representasyon ng
katangian, kilos, gampanin at katayuan ng babae at lalaki sa iba’t-ibang
panahon sa kasaysayan ng ating bansa.
3. Napahahalagahan ang pantay na pagtingin
sa kababaihan at kalalakihan sa ating lipunan.
II.
PAKSANG ARALIN
·
Aralin I : Gender Roles sa Pilipinas
·
Sanguniang Aklat : Learning Module
Araling Panlipunan Ika-10 baitang
·
Modyul pahina 265-269
·
https://www.youtube.com/watch?v=RbH2a-2t30o
·
Materyales :
1. ½
Manila paper o 1 cartolina
2. Marker
3. Laptop
4. Projector
5. Chalk
6. ¼
sheet of paper
7. Colored
paper
III.
PAMAMARAAN:
Gawain ng Guro
|
Gawain ng Mag-aaral
|
A. Panimulang
Gawain
1. Pagbati
Magandang umaga sa
inyong lahat mga bata! Nawa ay nasa maayos lahat ang inyong kalagayan….
2. Panalangin
:
Ngayon bago tayo mag
simula inaatasan ko ang isang mag-aaral mula sa klase na pangunahan tayo sa
panalangin.
3. Pagtatala
ng liban
Guro:
Mayroon bang lumiban
sa ating klase ngayon?
4. Balik
Aral
Aralin I. Konsepto ng
kasarian at sex.
Bilang pagbabalik sa
ating mga natalakay :
1. Ano ang pagkakaiba
ng konsepto ng Sex at Gender?
2. Ano ang iba’t-
ibang uri ng Oryentasyong seksuwal?
5. Motibasyon:
Motibasyon:
Puzzle analysis!
Panuto: Ang klase ay
hahatiin sa limang grupo. Ang bawat grupo ay bibigyan ng piraso ng mga
gulo-gulong larawan na kinakailangan nilang ayusin para tuluyang mabuo ang
larawan. Ang bawat grupo ay magpapabilisan na mabuo ang larawan. Lahat ng grupo na tapos na sa kanilang
gawain ay inatasang ididikit sa pisara ang kanilang nabuong larawan.
Suriin
ang larawan at magbigay ng mga katangian o gampanin ng mga babae at lalaki na
sa inyong palagay ay inaasahang makita sa kanila ng ating lipunan?
Guro:
Mahusay mga bata, Sa kabuohan o karamihan
ganyan tignan ng lipunan ang mga babae at lalaki. Kung saan ang mga
kababaihan ay limitado lamang sa mga gawaing pantahan samantalang ang mga
kalalakihan ay kailanagang gampanan ang mga gawain na may kinalaman sa
pagbibigay ng proteksyon sa kanyang pamilya at sa pagkakaroon ng ikabubuhay.
Ngunit ito pa rin nga ba ang
pagtingin ng ating Lipunan sa babae at lalaki sa kasalukuyan?
Ang
tanong na ito ay masasagot natin habang Lumalalim ang ating talakayan?
Sa
bahaging ito ng aralin ay matutunghayan kung ano ang katayuan at gampanin ng
babae at lalaki sa iba’t-ibang panahon ng kasaysayan ng ating bansa.
|
Mag-aaral: Magandang
umaga din po !
Maam Abi
Mag-aaral :
Iyuko natin ang ating
ulo, ipikit ang ang ating mga mata at
damhin natin ang presensya ng ating
Panginoon,
Ama naming na
makapangyarihan sa lahat salamat po sa araw na ito. Bigyan nyo po kami ng
katalinuhang nanggagaling sa inyo pagpalain nyo po ang aming talakayan. Kayo
din po ang magbigay ng karunungan sa aming guro upang matulungan nya kami na
maunawaan ng malalalim ang aming aralin. Salamat po Amen .
Monitor;
Sagot ng Mag-aaral;
·
Maam, ang sex po ay tumutukoy sa pagkakaiba
ng kasarian na nakabase sa pisikal at biolohikal na kalagayan ng isang
indibidwal ang gender naman po ay tumutukoy sa gampanin na itinakda ng
lipunan.
·
Maam, may tinatawag po tayong
homosexual at heterosexual.
·
Maam, may mga tao rin po na
kabilang sa LGBT ( Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender.
Sagot
ng mag-aaral:
·
Maam, ang mga kababaihan po ay
inaasahang maging tagapag-aruga ng kanilang mga anak.
·
Maam, ang mga kalalakihan naman
po ay inaasahang maging tagapagtangol ng kanilang pamilya laban sa mga
kaaway.
·
Maam, ang mga kalalakihan po ay
malakas at matapang.
|
B. Paglinang
ng Aralin
|
|
1.
Ano nga ba ang Gender Role?
Guro:
Tama kayo mga bata,
Ang gender role ay tumutukoy sa kilos,
gampanin at gawain na itinatakda ng lipunan sa babae at lalaki. Ang ibig
sabihin nito kung ikaw ay ipinanganak na lalaki ang mga katangiang pisikal mo
ay panlalaki. Ikaw ay may testicles at ang hormones mo ay panlalaki. Ang lipunan
ay may hinahangad o inaasahan na karapat-dapat na kilos para sa iyo.
Hal. Dahil ikaw ay
lalaki inaasahan kang maging malakas ka at mamuno sa digmaan.
|
Sagot
ng mag-aaral:
·
Maam, Ito po ay tumutukoy sa gampanin
na ibinibigay natin sa babae at lalaki.
·
Maam, ito po ay ang pagtingin o
katangian na ikinakabit ng isang lipunan sa kababaihan at kalalakihan.
|
2. Magbigay
ng mga katangian, gampanin, gawain ng mga kalalakihan bago ang panahon ng
pananakop sa ating bansa?
Guro:
Mahusay mga bata!
Sa
katunayan karamihan sa mga naging pinuno ng mga bayan at maliliit na
pamayanan ay mga lalaki. Masasalamin natin dito na ang ating lipunan ay may
mataas na pagtingin sa mga kalalakihan noon.
|
Sagot
ng Mag-aaral
·
Maam, Ang mga kalalakihan po ng
panahon na iyon ay malakas at sila din po ang madalas na kasama sa mga
digmaan.
·
Maam, ang mga kalalakihan po noon
ay inaasahan sa mabibigat at mapangnanib na mga trabaho tulad ng pasisisbak
ng kahoy at pangangaso.
|
3. Magbigay
ng halimbawa ng mga hanapbuhay ng mga kalalakihan noon?
Guro:
Very
Good!
Kung mapapansin ang hanapbuhay noon ng mga
lalaki ay nakatuon sa mga bagay na nangangailangan ng pisikal na lakas.
|
·
Sagot ng mag-aaral:
·
Maam, sila po ay mga mangangaso.
·
Maam, sila po ay mga mangingisda.
·
Maam, nagsisibak po ng kahoy.
|
4.
Ano naman ang katangian o
gampanin ng mga kababaihan bago ang panahon ng pananakop sa ating bansa?
Guro:
Magaling
mga bata!
Tunay na pinapahalagahan ang mga kababaihan
noon mayroon din silang karapatan na mag may-ari ng mga ari-arian at maging
pinuno kung walang lalaking magmamana kapalit ng dating datu. Mataas ang
pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan dahil sila ang kadalasang namumuno sa
mga ritwal at mga gawaing espiritwal na pinapahalagahan ng mga Pilipino noon.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, ang mga kababaihan po ng panahon
na iyon ay tumatanggap ng mataas na
paggalang mula sa lipunanan na kanilang ginagalawan.
·
Maam itinuturi rin po silang mga
prinsesa.
·
Maam, Sila po ay pwedeng maging babaylan.
|
5. Sa
inyong palagay mayroon bang di pagkakapantay sa pagtingin at sa karapatan ng
mga lalaki at babae noon?
Guro:
Tama!
Makikita natin na makapangyarihan din ang
mga babae sa panahong ito ngunit hindi pa rin natin maiaalis na ang mga
kalalakihan ay nagtatamasa ng mas malaking kapangyarihan at maraming
karapatan kumpara sa mga kababaihan. Ayon sa datos pang-kasaysayan ang mga
kababaihan sa Pilipinas maging sa pinakamataas na uri o pinakamababa ay
pagmamay-ari ng kanyang asawa. Bukod pa rito ayon sa boxer codex ang mga
lalaki ay pinapagayang magkaroon ng maraming asawa at maaaring patayin ng
asawang lalaki ang kanyang asawa kapag nakita niya itong kasama ng ibang
lalaki.
|
Sagot
ng mag-aaral:
·
Maam, mayroon din po, dahil
kadalasan po lalaki po ang namumuno sa pamayanan.
·
Maam, sa aking palagay po mas
mataas po ang pagtingin sa kalalakihan kaysa sa kababaihan noon.
|
6. May
nakaka-alam ba sa inyo kung ano ang Boxer Codex?
Guro:
Mahusay mga bata!
Ang Boxer Codex ay isang
dokumento o manuskrito na tinatayang ginawa noong 1595 naglalaman ito ng mga
mahahalagang impormasyon tungkol sa pamumuhay ng mga Pilipino noon.
Nakapaloob dito ang obserbasyon tungkol
sa buhay at kultura ng mga grupong nakatira sa Pilipinas noong panahon na
iyon. Napakaimportanteng dokumento ng Boxer Codex dahil naglalaman ito ng mga
larawang-guhit ng kasuotan ng mga grupo sa Pilipinas bago pa man naging
malawak ang impluwensya at pananakop ng mga Kastila. Ito ay pagmamay-ari ni
Luis Perez Dasmarinas, ang gobernador heneral ng Pilipinas noong 1593-1596.
|
Sagot ng Mag-aaral
·
Maam, ito po ay isang sulatin na
nagpapakita ng ating pamumuhay noon.
·
Maam, ito po ay naglalaman ng mga
mahahalagang impormasyon sa pamumuhay ng mga katutubo noong panahon ng
espanol.
|
7. Suriin
ang mga sumusunod na pangungusap:
“Filipinas are brought up to fear
men and some never escape the feeling of inferiority that upbringing
creates.”
Guro:
Karaniwan na pinapalaki ang mga
kababaihan sa ating lipunan na mahina at ang mga kalalakihan lamang ang
malakas. Ito ay nagiging dahilan na hanggang sa paglaki ng mga kababaihan
iniisip pa rin nila na mahina sila kaysa sa mga kalalakihan at kinakailangan
ang tulong nila para mabuhay.
|
Sagot
ng mag-aaral:
·
Maam, sinasabi po ng pangungusap
na ito na ang mga kababaihan sa ating lipunan ay pinalaki na katakutan ang
mga kalalakihan at hindi na nakakatakas sa ganitong kaisipan ang iba.
|
8. Sa
inyong palagay si Maria Clara ba ay sumasalamin sa gampanin at katangian ng
mga kababaihan noong panahon ng mga Kastila?
Guro:
Good
Job!
Sa
panahon ng mga kastila hinubog ang mga kababaihan na maging tulad ng birheng
Maria na kilala bilang mahinhin, mabuti ang kalooban, mapagbigay at
mapanalanginin kaya ang deskripsyon sa babae noon ay Maria Clara. Ang
ganitong pananaw ay dala ng mga paniniwala ng mga espanol na tinitignan na
ang kababaihan ay mas mababa kaysa sa mga kalalakihan. Ayon sa paglalarawan
ni Emelina Ragaza Garcia, sa kanyang sinulat na akdang The Position of Women
in the Philippines. Ang gampanin ng mga kababaihan sa panahon ng pananakop ng
mga kastila ay nakapokus na lamang sa pagiging mabuting ina, mga gawaing
pantahanan at sa gawain sa pananampalataya o simbahan. Ito ay dahil sa
paniniwalang kristyanismo na si Eva ay mula sa hinugot na tadyang ni Adan.
Ang kanilang edukasyon ay nasa pamamahala ng mga pari at madre. Kaya naman
naging mahigpit ang lipunan sa katayuan at kilos ng mga kababaihan.
|
Sagot ng mag-aaral:
·
Maam, sumasang ayon po ako na si
Maria Clara ay sumasalamin sa mga gampanin ng mga kababaihan ng panahon ng
mga Espanol.
·
Maam, pwede pong hindi kasi po di
naman po lahat ng mga babae noon ay mahinhin.
|
9. Sino
ang mga lalaking may malaking ginampanan noong panahon ng himagsikan?
Guro:
Ang
ibig sabihin nito malaki ang ginampanan ng mga kalalakihan sa pakikipaglaban
para sa kasarinlan ng ating bansa.
|
Sagot
ng mag-aaral:
·
Maam, si Dr. Jose Rizal po
·
Maam, si Andress Bonifacio po
·
Maam, si Emilio Aguinaldo po
|
10. Magbigay
ng mga Pilipina na may naiambag o nagpakita ng kabayanihan sa panahon ng
rebolusyon ayon sa video na inyong napanood?
Guro
:
Magaling
mga bata hindi lamang puro kalalakihan tulad nila Andres Bonifacio at Jose
Rizal ang nakipaglaban ng panahon ng
himagsikan ang mga kababaihan din sa ating lipunan ay gumawa din ng hakbang
upang makalaya sa mga kastila, nariyan pa si Gregoria De Jesus, Marina Dizon
at marami pang iba. Ito ay nagpapakita na ang mga kababaihan ay may malaki
ding ginampanan sa ating lipunan.
|
·
Maam si Gabriela Silang na asawa
po ni Diego Silang ipinagpatuloy niya po ang nasimulang laban ng kanyang
asawa.
·
Maam si Melchora Aquino po.
·
Maam Tulad po ni Trinidad Tecson.
|
11. Bakit
sinasabing ang panahon ng Amerikano ang nagdala ng ideya ng kalayaan,
karapatan, at pagkakapantay-pantay sa Pilipinas.
Guro:
Magaling
mga bata sa pagdating ng mga Amerikano ipinagkaloob sa mga kababaihan ang
kapangyarihan makaboto. Sa panahong ito unti-unting lumalawak ang karapatan ng mga kababaihan.
|
Sagot
ng mga-aaral:
·
Maam, sa pagdating po ng mga
Amerikano mas lumawak po ang kaisipan ng mga Pilipino at nabigyan ng
pagkakataon ang mga kababaihan na makapag-aral .
·
Maam, nabuksan po ang isipan ng
mga kababaihang Pilipino na hindi lamang limitado ang kanilang gawain sa
gawaing bahay.
|
12. Bakit
mahalaga para sa isang tao ang karapatan na makaboto?
Guro:
Nice Job!
Noong
Abril 30, 1937 ang kakayahan na makaboto ay ibinigay sa mga kababaihan sa
ating bansa.
Mahalaga
ang karapatan na bumoto para sa isang tao kahit lalaki man o babae dahil ito
ay sumisimbolo sa pagkakaroon ng boses at kapangyarihan sa lipunan at
pamahalaan.
|
Sagot
ng mag-aaral
·
Maam, dahil po isa malaking kapangyarihan ang makaboto.
·
Maam, sapagkat ang tao na may
kakayahan na bumoto ay sinasabing may silbi sa lipunan
|
13. Ano
ang mga pang-aabuso na dinanas ng mga lalaki at babae sa panahon ng pananakop
ng mga Hapones?
Guro:
Mahusay!
Sa panahon na ito maraming pang-aabuso ang
nangyari sa kababaihan at kalalakian ng ating lipunan. Ito ang naging dahilan
ng samasama nilang pagtutulungan upang makamit ang kalayaan mula sa mga
mapang-abusong dayuhan.
|
Sagot
ng Mag-aaral:
·
Maam, sa pahanon pong ito ay muli
na naman pong nawalan ng kakayahan at kapangyarihan ang mga kababaihan sa lipunan.
·
Marami din pong mga kalalakihan ang napatay ng panahong ito.
·
Marami po sa mga kababaihan ang
naging comfort women.
·
Maam, nagtulong po ang mga
kababaihan at kalalakihan maging ang buong bansa natin para makalaya sa mga
Hapones.
|
14. Sa
inyong palagay ang pagtingin ba ng ating lipunan sa mga kababaihan at
kalakihan noong unang panahon ay parehas pa rin sa kasalukuyan?
Guro:
Tama mga bata, sa kasalukuyan
totoo na marami nang karapatan ang naipagkaloob sa mga kababaihan. May mga
pagkakataon din na halos nagkakapalit na ang dating gawain ng mga lalake at
babae.
Hal.
Ang
mga babae ay pinapayagan na rin na maghanap buhay para sa kanilang pamilya.
Mayroon
din na mga pagkakataon na halos nagpapalit na ang gampanin ng mga kababaihan
at kalalakihan sa ating lipunan.
Malalayo
na nga ang narating ng ating bansa patungo sa pantay na pagtingin sa kasarian
ng isang nilalang. Bilang pagtatapos matuto tayong igalang ang karapatan ng
bawat isa at gampanan natin ng tama ang pagiging mabuting mamamayan ng ating
bansa anuman ang ating kasarian.
|
Sagot
ng mag-aaral:
·
Maam, sa panahon po siguro ngayon
naging hindi na masyadong mahigpit ang mga pamantayan sa mga kababaihan.
·
Maam, sa mga kalalakihan naman po
ay katulad pa rin po sa dating panahon ngunit uso na rin po ang tinatawag
nating house husband kung saan ang mga kalalakihan din po ang naiiwan na
mag-alaga ng kanilang mga anak at gumawa ng mga gawaing bahay.
|
C. PAGLALAGOM
1. Bakit
mahalaga ang pantay na pagtingin at karapatan para sa mga kababaihan at
kalalakihan sa isang lipunan?
2. Sa
paanong paraan mo maipaglalaban o maipapakita ang pantay na pagtingin para sa
lahat?
D. PAGLALAPAT
Panuto:
Hatiin ang klase sa 5 grupo na may 7-10 na miyembro. Ang bawat grupo ay
magprepresenta ng kilos, katayuan at gampanin ng mga kababaihan at kalalakihan
sa ibat-ibang panahon na ating natalakay sa pamamagitan ng tableau. Ang bawat
grupo ay bibigyan ng 2 minuto upang ipaliwanag ang kanilang ipinakitang
senaryo.
I.
Unang grupo sa pahanon bago ang panankop
ng mg dayuhan.
II.
Ikalawang grupo sa pahanon ng pananakop
ng mga Espanol.
III.
Ikatlong grupo sa pahanon ng pananakop
ng mga Amerikano.
IV.
Ikaapat na grupo sa pahanon pananakop ng
mga Hapones.
V.
Ikalimang grupo sa kasalukuyan.
Ang
mga sumusunod ang pamantayan sa gawain:
Rubrics
Marka
|
Pamantayan
|
11-15
|
Ang
paglalarawan o representasyon ng gampanin, kilos, katangian at katayuan ng
kababaihan at kalalakihan sa iba’t-ibang panahon ay mahusay na naisalarawan.
Malinaw na naipahayag ang mga gampanin ng mga lalaki at babae sa lipunan ng
Pilipinas sa bawat panahon sa kasaysayan ng ating bansa. Ang bawat miyembro
ng grupo ay nagkaroon ng gampanin sa presentasyon. Ang pagbuo ng ideya sa
gagawing representasyon ay masusing pinag-isipan at tahimik na naisagawa.
|
6-10
|
Ang
paglalarawan o representasyon ng gampanin, kilos, katangian at katayuan ng
kababaihan at kalalakihan sa iba’t-ibang panahon ay hindi masyadong mahusay
na naisalarawan. Hindi masyadong malinaw na naipahayag ang mga gampanin ng
mga lalaki at babae sa lipunan ng Pilipinas sa bawat panahon sa kasaysayan ng
ating bansa. Mayroong 1-2 miyembro ng grupo ang hindi nagkaroon ng gampanin
sa presentasyon. Ang pagbuo ng ideya sa gagawing representasyon ay pinag-isipan
at tahimik na naisagawa.
|
1-5
|
Ang
paglalarawan o representasyon ng gampanin, kilos, katangian at katayuan ng
kababaihan at kalalakihan sa iba’t-ibang panahon ay hindi mahusay na
naisalarawan. Hindi malinaw na naipahayag ang mga gampanin ng mga lalaki at
babae sa lipunan ng Pilipinas sa bawat panahon sa kasaysayan ng ating bansa.
May 3 pataas na miyembro ng grupo ang hindi nagkaroon ng gampanin sa
presentasyon. Ang pagbuo ng ideya sa gagawing representasyon ay hindi
masusing pinag-isipan at hindi tahimik na naisagawa.
|
IV.
PAGTATAYA
I.
Panuto: Tukuyin kung saang panahon ( bago
ang pananakop, pananakop ng Kastila, Amerikano, Hapones o sa kasalukuyan)
nakapaloob ang sumusunod na kilos, katangian at gampanin na ipinapahayag ng
bawat pangungusap.
________1. Ang isyu sa pagboto
ng mga kababaihan sa Pilipinas ay naayos sa pamamagitan ng isang plebisito na
ginananap noong Abril 30, 1937.
________2. Ang mga
lalaki ay maaring kitilin ang buhay ng kanyang asawang babae kapag nahuli niya
itong kasama ang ibang lalaki.
________3. Ang mga
kababaihan ay inaasahan na maging mahinhin at mapanalanginin.
________4. Ang mga kalalakihan
at kababaihan ay naging biktima ng pang-aabuso tulad ng panghahalay at pagpatay.
________5. Tinangap na ng
lipunan na ang mga babae ay maaaring magtrabaho tulad ng mga lalaki.
II.
Isulat ang titik ng tamang sagot .
________1.
Pinaniniwalaang
pagmamay-ari ni Luis Perez Dasmarinas na naglalaman ng obserbasyon sa buhay at kultura
ng mga Pilipino noon. Ano ito?
_______2. Ano ang tumutukoy sa
kilos, gampanin at gawain na itinatakda ng lipunan sa babae at lalaki?
________3.
Sino ang sumulat ng akdang The Position of Women in the Philippines?
________4.
Ano ang tawag sa babae na hindi ipinapakita sa publiko hanggang sa siya ay magdalaga?
________5.
Sino ang tinaguriang ama ng katipunan?
A. Boxer
Codex B.
Gender Role C.
Emelina Ragaza Garcia
D.Binukot E. Jose Rizal F. Andres Bonifacio
|
V. KASUNDUAN
A. Magsagawa ng pananaliksik tungkol sa naging katatayuan/gampanin ng
babae at lalaki sa iba’t ibang panahon sa iyong pamayanan. Alamin din
kung
paanong ang katayuan/gampaning ito ay nakaapekto sa pang-unlad ng pamayanan. Ibahagi sa klase
ang ginawang pananaliksik.
B. Basahin at pag-aralan ang susunod na aralin:
Kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas.
DO YOU HAVE A DLL OF KONTEMPORARYONG ISYU FROM Q1-Q4.. I WANT TO BUY IT
ReplyDelete